Libong mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association at mga marekt vendor sa Villasis, Pangasinan ang pinadalhan ng asiste ni Senator Christopher “Bing” Go bilang bahagi ng kaniyang pagtulong sa mga mahihirap na komunidad lalo na ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Si Go bilang Chairman ng Senate Committee on Health ay nagsaad na ang mga frontliner kabilang na ang transport at market worker ay kabahagi na ang sektor ng mga ito na mababakunahan.
Bunsod nito, ang mga tauhan ni Go ay nagsagawa ng hiwalay na distribution activities sa Villasis Auditorium at Villasis Gymnasium na grinupo ang 2,805 na mga benepisaryo sa mas kaunting bilang upang maseguro ang kapakanan ng bawat kinauukulan.
Bahagi ng pagtalima sa ipinaiiral na health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 ay namahagi ang mga tauhan ni Go ng.mga pagkain, masks, face shields at mga bitamina sa mga benepisaryo.
Namigay rin si Sen. Go ng mga bagong pares ng sapatos at bisekleta sa mga piling benepisaryo, na ang ilan naman ay binigyan ng computer tablets para magamit ng kanilang.mga anak para sa online learnings.
Sa panayam kay Jona Mae Cavelerio, isa sa mga nabigyan ng bisekleta na ang kanilang natanggap mula kay Go ay malaking katulungan umano para sa kanilang komunidad.
“Malaking tulong sa aming mga vendors ang tulong na hinatid ni Senator Go, lalo na sa pangdagdag kabuhayan at pambayad sa expenses sa bahay,” Cavelerio said.
Ang mga kawani naman mula sa Department of Social Welfare and Development ay namahagi rin ng karagdagang asisteng pinansiyal sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program.
Sa video message ni Go ay hinikayat nito na magpabakuna ang lahat sa oras na maipadala na ang mga vaccines para sa naturang komunidad.
“Ang bakuna po ang susi at solusyon para unti-unti na nga po tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay katulad po noon kung saan po mayakap natin ang ating kapwa Pilipino,” pahayag ni Go.
“At napakaimportante po ma-attain natin ‘yung herd immunity sa community, para po hindi na kumalat ang sakit na COVID-19,” dagdag pa ni Go.
Nagbigay rin si Go ng karagdagang asiste sa mga benepisaryo at hinimok na puntahan ng mga ito ang Region 1 Medical Center, Dagupan City na kinaroroonan ng Malasakit Center para sa medical programs ng mga ahensiya ng gobyerno tulad ng DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation at ang Philippine Charity Sweepstakes Office.
Buhat nang ilunsad ang unang Malasakit Center noong 2018 ay napagsilbihan na ang mahigit sa 2 milyong Filipino partikular na ang mga mahihirap at indigent patients at nasa 118 Malasakit Centers na ang naipatayo sa buong bansa hanggang nitong June 13.
Bilang pagtulong sa rehabilitasyon ng nasabing probinsiya ay nagbigay pa si Go ng pondo para sa ilang improvement projects ng Pangasinan. Ilan sa mga proyekto ay ang construction ng slope protection sa Cabatuan River, Bugallon at construction ng dialysis center sa Lingayen gayundin ang pagbibigay ng ambulance unit at iba pang mga proyekto.
Pinasalamatan din ni Go ang mga local government official na patuloy sa pagseserbisyo at pagtulong sa kanilang constituent ngayong dumaranas tayo ng national health crisis. Ang mga opisyal na kaniyang binanggit ay sina Representative Ramon “Mon-Mon” Guico, III, Governor Amado “Pogi” Espino, Vice Governor Mark Lambino, Mayor Nonato Abrenica, Vice Mayor Cheryll Tan at maraming iba pa.
The post TODA MEMBERS SA PANGASINAN INAYUDAHAN NI SEN. GO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: