Facebook

Pulis lang din ang makapaglilinis sa kanilang hanay

SAKIT na ng ulo ng pamunuan ng Philippine National Police ang marami sa kanilang personnel.

Inakala ng kanilang Commander-in-Chief, Presidente Rody Duterte, na sa pagdoble nito sa sueldo ng mga pulis ay titino lahat ang miyembro nito, mawawala na ang mga bugok, mga patong sa iligal, at maging totoo na sa kanilang motto: “To Serve and Protect”.

Maging sa hiring ay mahigpit narin ang PNP, pero andami paring bugok na nakakapasok sa serbisyo.

Nandiyan parin ang mga kolektong sa vendors sa kalye, illegal gambling, patong sa sindikato ng iligal na droga, may holdaper, carnaper, robber, riding in tandem criminals, 15-30 sa himpilan, may nagpapaalipin sa kanilang superior at iba pang kagagohan na labag sa kanilang sinumpaang tungkulin sa ating Saligang Batas.

Tulad lang nitong dalawang pulis na pinaslang ng mga komunistang New People’s Army (NPA) sa Barangay Antongalon, Butuan City nitong Martes ng umaga, Hunyo 15, habang gumagapas ng mga damo sa farm ng mga manok panabong ng kanilang superior, Col. Canilo Fuentes, ang City director ng Butuan City Police Office.

Kung nasa himpilan sila ng Butuan Police hindi sana nila sinapit ang masaklap na kamatayan sa mga kamay ng rebelde.

Mantakin mo, mga pare’t mare, pinasusuweldo natin ang dalawang pulis na ito para magserbisyo at magprotekta sa mamamayan, ang paghihimas ng mga manok ni Col. Fuentes pala ang inaatupag.

Ayon sa aking source, matagal nang nagbabantay ng farm ni Col. Fuentes ang nasabing mga pulis (EMS Sherwin Roy Cajutol at Cpl. Koki Libot).

Sa pagkakapaslang ng mga NPA sa dalawang pulis na ito, dapat ba silang bigyan ng mga dapat makuha ng isang uniformed personnel na nasawi on duty? Para sa akin, hindi! Oo ‘di sila nararapat bigyan ng halaga. Kabilang sila sa mga bugok sa PNP.

Pero mas bugok itong Col. Fuentes. Abusado! Kulang na nga ang mga pulis sa himpilan, ginawa pang taga-bantay ng farm nya ang mga pulis, tapos ang nagpapasahod ang gobierno! Gagong opisyal!!!

Dapat agad masibak sa serbisyo itong si Col. Fuentes. Mismo!

***

Para malinis sa mga bugok na personnel ang PNP, ang mga matitinong pulis lang din ang makalinis sa kanilang hanay.

Alam ng mga diretsong pulis kung sinu-sino at kung anu-ano ang ginagawang iligal ng ilan nilang kabaro, i-text nila sa media o i-post sa Facebook gamit ng bogus account para ‘di matukoy, mailantad lang sa publiko at makarating sa itaas ang ginagawang kabalbalan nitong mga anay sa organisasyon ng PNP.

Ganito rin ang dapat gawin ng mga empleyado sa government agencies. Pag may nalalamang mga iligal na transaksyon ang kasamahan lalo opisyal, ilantad agad sa social media lalo sa mainstream media. Chat or txt lang…

Oo! Malilinis lang sa mga tiwali ang isang organisasyon o ahensiya kung may mga empleyadong nagmamalasakit. Yes! Napakarami nang gadgets na maaring pindutin para maibunyag ang anumang katiwalian sa alinmang tanggapan sa pamahalaan, malasakit lang ang kailangan. Let’s do it, folks!

The post Pulis lang din ang makapaglilinis sa kanilang hanay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pulis lang din ang makapaglilinis sa kanilang hanay Pulis lang din ang makapaglilinis sa kanilang hanay Reviewed by misfitgympal on Hunyo 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.