ISINUSULONG ngayon ng isa sa liderato ng House of Representatives ang pagpapatupad ng batas na layuning obligahin ang mga lalawigan, siyudad, munisipalidad at barangay na maglaan ng hindi bababa sa labinlimang porsyento 15% ng kanilang internal revenue allotment o IRA para sa health services.
Itinutulak ni Quezon Representative Angelina “Helen” Tan, Chairperson ng Committee on Health ang pagsasabatas ng House Bill 9204 o “Lokal na Pamahalaan Kabalikatan sa Pag-Abot ng Kalusugang Pangkalahatan Act”.
Sinabi ni Tan sa kanyang pag-i-sponsor sa nabanggit batas na, ito ay nagtataglay ng mga probisyon na lubhang mahalaga para sa kalidad, madaling makamit at napapanahong serbisyong pangkalusugan lalo na sa gitna ng nagaganap na COVID-19 pandemic.
“Based on my initial talks with the Department of Health, the plan really is to push for the renationalization of the country’s healthcare system. But here comes the Mandanas-Garcia Ruling where the Supreme Court says that the “just share” of local government units (LGUs) include all national taxes and not just the national internal revenue taxes, but also customs duties and others. By virtue of this development, LGUs IRA are expected to increase starting next year”, paliwanag ni Tan.
Binigyang diin ni Tan na isa ring medical doctor, na ang usapin kamakailan sa Mandanas ruling ay binanggit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa kanyang interpellation sa Senado kaugnay ng ilang lokal na batas na ipinasa ng Mababang Kapulungan sa pagtatayo ng mga bagong pagamutan sa ilang bayan at siyudad sa bansa, kabilang dito ang probisyon ng paglilipat ng kontrol nito mula sa kanikanilang lokalidad sa pambansang pamahalaan.
Layuning amyendahan ng House Bill 9204 ang Section 287 ng Local Government Code (LGC) of 1991 upang matiyak ang paglalaan ng 15% ng IRA para sa health services sa lahat ng LGUs at inaasahan din ang kanilang gagawing pagkilos bilang paghahanda sa mas malaking papel at responsibilidad sa pagkakaloob ng serbisyong medikal na inaasahan na kanilang gagawin sa konteksto ng Mandanas ruling. Ang panukalang paglalaan ang siyang pangunahin sa kung anuman ang nakalaan sa pangkalusugang serbisyo sa ilalim nang umiiral na proyektong pangkaunlaran gaya ng itinatakda sa ilalim ng LGC at ng Special Health Fund (SHF), na isang component ng Universal Health Care Act (UHC).
“The proposal is grounded on the fundamental policies outlined under Republic Act No. 11223 or the UHC law, which adopts an integrated and comprehensive approach to ensure that all Filipinos are health literate, provided with healthy living conditions, and protected from hazards and risks that could affect their health”, Tan said. “The pandemic has underscored the important lesson that LGUs must be at the front lines of UHC implementation inasmuch as the law ‘requires local leaders who recognize that health is not just one of their concerns but is in fact a strategic concern that has wide-reaching impact on stubborn societal issue’”, dagdag pa ni Tan.
Samantala ay inaprubahan naman ng Committee of Local Government sa pamamagitan ng chairman nitong si s Rep. Noel Villanueva ang watered-down version ng bill sa pamamagitan ng pagbibigay mandato nito sa lahat LGUs na maglaan lamang hindi bababa sa sampung porsyento o 10% ng internal revenue allotment (IRA) para health services matapos na salungatin ng ilang LGU stakeholders at miyembro ng Committee ang naunang 15% allocation.
The post 15% IRA ng LGU para sa Health Services sinusulong ni Rep. Angelina D.L. “Helen” Tan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: