SA paniniwala na ‘aswang’ ang nasa likod ng pagkawala ng isang batang lalaki, gumawa ng ingay tulad ng pagkalampag sa kaldero ang ilang residente at sa pamamagitan ng isang babaeng sinaniban ng kaluluwa, itinuro nito kung nasaan ang bata sa isang barangay sa Iloilo.
Ayon sa ina ng bata na si Stepanie, June 20 nang maglaro sa labas ng kanilang bahay ang kaniyang 2-anyos na anak na si Shemark.
Nang araw ding iyon, inutusan naman niya ang kaibigang babae na kasama sa bahay na bumili sa tindahan.
Ngunit bumalik na ang kaniyang kaibigan, pero hindi parin umuuwi si Shemark. Kaya naghanap na sila hanggang sa abutin ng gabi.
Paniwala ng mga “manggagamot” sa lugar, aswang ang kumuha sa bata kaya gumawa ng ingay ang mga tao sa paniwawala na naapektuhan ng ingay ang kilos ng mga aswang.
Kung saan-saan na nila hinanap si Shemark pero hindi nila nakita ang bata.
Habang nagkakagulo ang mga tao, may nagpayo sa ama ni Shemark na silipin ang poso-negro o septic tank sa tabi ng kanilang bahay.
Duda man ang ama ni Shemark na mapupunta doon ang anak dahil may takip ito na makapal na semento, sinilip parin nila ang loob nito at wala silang nakita.
Kaya nagpatuloy ang paghahanap ng mga tao sa iba pang lugar at nagsiga pa sila upang makita umano ng bata ang liwanag dahil madilim na.
Habang nagkakagulo sa paghahanap, isang babae naman ang umano’y sinaniban. Isang babae raw ang nakita niyang kasama ni Shemark at sinabing makikita ang bata malapit lang sa kanilang bahay.
Kaya naghanap muli ang pamilya sa loob at labas ng bahay, hanggang sa balikan na ang septic tank at doon na nakita ang bata.
The post 2-anyos bata tinangay ng ‘aswang’ nakita sa loob ng septic tank appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: