Facebook

3 patay, 1 sugatan nang madaganan ng semento

TATLO katao ang nasawi at isa ang sugatan nang madaganan ng mga semento nang tumaob ang sinasakyang 10-wheeler truck sa Baliguian, Zamboanga del Norte.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rolly Punisto, truck driver; Jon Mar P. Abenido; at isang alias Dodong.

Nilalapatan naman ng lunas sa Baliguian Rural Health Unit ang sugatan na si Marklyn Salba Echanes.

Ayon kay Police Major Shellamie Chang, spokesperson ng PRO9, 12:55 ng hapon nang maganap ang aksidente sa national highway sa Barangay Upper Kauswagan, Baliguian.

Sa report, sakay ang mga biktima sa isang kulay asul na Mitsubishi Fuso 10- wheeler truck (TJZ 489) na pag-aari ng isang Philip Apat ng Molave, Zamboanga del Sur at minamaneho ni Punisto at habang binabagtas nila national highway mula sa Molave patungo sa Baliguian nang pagsapit sa nasabing lugar ay nawalan ng kontrol sa manibela ang driver dahil sa pataas at pababa ang kalsada, dahilan upang bumaliktad ang truck at madaganan ang mga biktima ng kargang mga semento. (Mark Obleada)

The post 3 patay, 1 sugatan nang madaganan ng semento appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 patay, 1 sugatan nang madaganan ng semento 3 patay, 1 sugatan nang madaganan ng semento Reviewed by misfitgympal on Hunyo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.