Facebook

Inabandonang sanggol kinain ng baboy

ISANG bagong silang na sanggol ang iniwan sa halamanan at natagpuang wasak ang katawan nang kainin ng baboy sa Purok 3, Barangay Banali, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.

Inihayag ni Police Capt. Robert Trinidad, hepe ng Senator Ninoy Aquino Municipal Police Station, na pinuntahan ng may-ari ang kanyang alagang baboy at doon tumambad sa kanya ang isang sanggol na wala nang buhay kaya’t kaagad na ini-report sa pulisya.

Ayon kay Trinidad, mula sa bahagi ng bewang hanggang paa na lamang ng sanggol ang natira at may iilang ‘di tukoy na parte ng katawan ng bata ang natagpuan sa paligid ng kinaroroonan ng baboy.

Dagdag pa ng opisyal, walang narinig na iyak ng bata ang mga residente sa lugar bago natagpuan ang sanggol. Paniwala nila, wala nang buhay ang sanggol nang kainin ito ng hayop nang iniwan sa lugar.

Inaalam pa ng pulisya kung sino ang nagluwal sa sanggol.

The post Inabandonang sanggol kinain ng baboy appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Inabandonang sanggol kinain ng baboy Inabandonang sanggol kinain ng baboy Reviewed by misfitgympal on Hunyo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.