BUTUAN CITY – Umani ng positibong reaksyon ang post ng isang netizen na si Gina Borbor hinggil sa pagtulong ng isang babae sa mag-ina sa labas ng isang mall sa lungsod.
Ayon kay Borbor, naghihintay siya ng kanyang ka-meet up sa ibinebentang hopia nang makita niya ang isang pulubi na may kargang umiiyak na sanggol.
Sa tantiya niya, umiiyak ang bata dahil gutom na ito at walang mailabas na gatas ang ina matapos nitong sinubukang ipa-breastfeed. Gusto mang tumulong ni Borbor na i-breastfeed ang bata pero wala siyang gatas.
Aniya, marami na ang dumaang indibidwal na nababahala din sa walang tigil na pag-iyak ng bata.
Habang naghahanap ng paraan si Borbor na makatulong sa bata, nakita niya ang isang babaeng lumapit sa mag-ina at doon naantig ang kaniyang damdamin nang kunin ng babae ang bata at naghanap sila ng pwesto upang mapa-breastfeed ang sanggol.
Tumahan agad sa pag-iyak ang sanggol matapos itong mapa-breastfeed ng babae.
Umabot na sa mahigit 31,000 shares, 68,900 reactions at mahigit 5,000 ang comments ng naturang post.
Ayon kay Borbor, kinilala ang babae na si Jeralyn Gubalani na taga-Bunawan, Agusan del Sur.
Sa kanyang post sa Facebook, hindi niya inakalang magte-trending ang kaniyang ginawang pag-breastfeed sa sanggol. Nakita aniya kung gaano ka-gutom ang sanggol dahil marami itong nakuhang gatas.
Umaasa si Borbor na marami pa ang kagaya ni Gubalani na hindi magdadalawang-isip na tumulong lalo na sa mga nangangailangan.
The post VIRAL! Babae nagpadede sa umiiyak na sanggol ng pulubi appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: