Facebook

Rider sumemplang, pugot-ulo sa trak

NAPUGOT ang ulo ng isang rider nang sumemplang sa sinasakyang motorsiklo at magulungan ng kasalubong na trak sa Calamba, Laguna.

Sa kuha ng CCTV, binabagtas ng rider ang Parian national highway hatinggabi noong Linggo. Ilang saglit pa, sumemplang ang rider at sa kasawiang palad ay nahagip siya ng kasalubong na trak. Bahagya pa itong nakaladkad.

Ayon sa isang saksi, tumakbo ang mga residente para tulungan sana ang biktima.

“Tumatakbo po siya ng mabilis, bigla siyang tumumba. Pagtumba niya, pagdaan ng truck nasapul siya… Natanggal na ‘yung kalahati ng kaniyang [ulo],” ayon sa saksing si Ronaldo Salido.

Sa imbestigasyon ng Calamba City Police, nabatid na may iniwasang sasakyan ang rider kaya siya natumba.

“Nag-alangan po siya at sa kaniyang palagay ay mababangga niya ‘yung isang sasakyan, iniwas niya po ‘yung kaniyang motor, lumipat po siya sa kabilang daan,” sabi ni Lieutenant Colonel Jonathan Villamor ng Calamba City Police.

Matulin din ang takbo ng truck ng mga oras na iyon at tinakbuhan lang ng driver ng truck ang biktima.

Nakikipag-ugnayan na ang mga awtoridad sa pamilya ng biktima kaugnay sa isasampang kaso laban sa driver ng truck.

The post Rider sumemplang, pugot-ulo sa trak appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Rider sumemplang, pugot-ulo sa trak Rider sumemplang, pugot-ulo sa trak Reviewed by misfitgympal on Hunyo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.