Facebook

P1.2m shabu huli sa 3 HVT sa Marikina!

NADAKIP ng pulisya ang tatlong high value target (HVT) at nasamsam sa mga ito ang nasa P1.2 million halaga ng iligal na droga sa Marikina City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Mark Gil Busa, Abdulah Ebrahim alyas “Boss”, at Khalid Omar Latip, pawang nasa talaan ng HVT, at nakatira sa #2 Kapitan Enrico Cruz St., Barangay, Sto. Nino sa lungsod.

Sa ulat, 7:00 ng gabi ng Martes, June 22, nang madakip ang tatlo sa buy bust operation ng anti-illegal drugs ng Marikina City Police. Nakuha sa mga ito ang 11 transparent plastic sachet ng shabu na may timbang na 150 grams at nagkakahalaga ng P1, 020,000.00. (Edwin Moreno)

The post P1.2m shabu huli sa 3 HVT sa Marikina! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P1.2m shabu huli sa 3 HVT sa Marikina! P1.2m shabu huli sa 3 HVT sa Marikina! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.