Facebook

Awol na pulis patay sa ambush sa Batangas

Batangas City – Patay ang isang awol na pulis nang tambangan sa kahabaan ng National Road, Barangay Balagtas sa lungsod, Lunes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si da-ting Police TSgt. Archie Aceveda, 36 anyos, nagtatrabaho bilang Private Security at residente ng Bgy. Mahabang Parang sa lungsod.

Sa ulat ng Batangas City Police station, ang biktima ay sakay ng kanyang puting Honda City Sedan (XJC 804) nang tambangan ng isang sasakyan at paulanan ng bala ng mga sakay nito bandang na 11:00 ng gabi sa kahabaan ng national road sa Bgy. Balagtas.

Patay na nang dalhin sa ospital, St. Camilus, ang biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala sa kanyang katawan.

Nakita sa lugar ng insidente ang 10 basyo ng bala ng M16 armalite at 16 basyo ng kalibre .45 pistol.

Si Aceveda ay may kinakaharap na kasong pagpatay (murder). Suspek din siya sa pagpatay sa babaeng liason officer ng Kapitolyo ng Batangas na si Mary Ann Pupuli noong Hunyo 7.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen. (Koi Laura)

The post Awol na pulis patay sa ambush sa Batangas appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Awol na pulis patay sa ambush sa Batangas Awol na pulis patay sa ambush sa Batangas Reviewed by misfitgympal on Hunyo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.