NASA 32 trucks ng basura kada araw ang nakokolekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula sa 57 pumping stations sa Metro Manila, dahilan upang lagyan nila ito ng floating trash nets para maharang at huwag itong masira.
Personal na nasaksihan ni MMDA Chairman Benhur Abalos ang mga basurang nakolekta mula sa pumping station ng Estero Tripa Tripa de Galina na nagseserbisyo sa Maynila at Taguig.
Sinabi ni Abalos na dadami pa ang makokolektang basura lalo na sa panahon ng tag-ulan.
Sinabi ng naturang opisyal na pag-uusapan nila ng Metro mayors para maisapinal ang magiging ordinasa nila kontra sa mga taong nagtatapon ng basura sa waterways.
Umampila ito sa publiko na tigilan na ang pagtatapon ng mga basura sa mga daluyan ng tubig. (Gaynor Bonilla)
The post 32 trucks ng basura kada araw nahahakot sa mga pumping station appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: