Facebook

Giant tilapia nalambat sa Kidapawan

ISANG tilapia ang tumitimbang ng limang kilo at umano’y walong buwan palang ang nalambat sa fishpond ni Barangay Chairman Eduardo Umpan ng Barangay Balabag, Kidapawan City, nitong June 27.

Ayon sa mga nakahuli, umaabot sa isang talampakan at kalahati ang naturang isda.

Nabatid na ang cultured tilapia, o ‘yung mga inaalagaan mula pa sa pagiging fry o maliliit na semilya ay lumalaki ng mabilis kung sobra-sobra ang rasyong pagkain. Ito ay katulad din ng pangasius fish na mistulang pating ang itsura na pinagmumulan ng “cream dory” fillet na pangkaraniwan nang niluluto sa mga restaurant.

Ang pangasius ay labis na lumalaki kung sapat ang pagkain sa kanilang controlled habitat.

Isang tawag dito sa tilapia ay tilapia nilotica o nile tilapia. Ito ay meron na noong pamang Biblical times sa Nile River na sa ngayon ay bansang Egypt.

Ang pag-culture ng tilapia, sa katunayan, una nang ginawa ng mga taga-ancient Egypt.

The post Giant tilapia nalambat sa Kidapawan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Giant tilapia nalambat sa Kidapawan Giant tilapia nalambat sa Kidapawan Reviewed by misfitgympal on Hunyo 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.