COTABATO CITY – Nasamsam ng mga operatiba ng PDEA BARMM sa dalawang nakatakas na tulak ang isang kilong shabu na nagkakahalaga ng P6.8 million sa entrapment operation sa Public Market, Barangay Poblacion, Maimbung, Sulu, noong Sabado.
Kinilala ni Regional Director Juvenal Azurin ng PDEA BARMM ang mga nakatakas na sina Bashir Jam at Basaron Rajikat. Nakasibat ang mga ito sa kasagsagan ng operasyon nang matunugan nila na PDEA agents ang kanilang ka-transaksyon.
Ayon kay Azurin, nakawala ang dalawa gamit ang isang motor bangka, ngunit naiwan ang kanilang ibinibentang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 million.
Inatasan na ni Police Brig. Si Gen. Eden Ugale, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang pulisya ng Sulu na tumulong sa PDEA na hanapin sina Jam at Rajikat.
The post P6.8m shabu nasamsam pero mga tulak nakatakas appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: