Facebook

Airport police nilait at pinahiya sa zoom meeting, nagdemanda sa Ombudsman

NAGHAIN ng kasong kriminal at administratibo sa Office of the Ombudsman ang isang opisyal ng Airport Police Department (APD) laban sa tatlong opisyal ng Office of Transportation Security (OTS) nang laitin at ipahiya ito sa zoom meeting sa kanilang tanggapan sa Pasay City.

Ayon kay Police Lt. Jesus Ducusin ng APD PIID, hindi siya nagdalawang-isip na magsampa ng kasong ‘unjust vexation’ sa korte at administratibo na ‘grave misconduct’ sa Ombudsman laban kina NAIA One Stop head at OTS Usec. Raul Del Rosario, Atty. Karen Lim ng Legal office, at Director Edgar Danao dahil sa ginawang panghihiya at pang-iinsulto sa zoom meeting noong Miyerkules, Hunyo 16.

Sa panayam kay Ducusin, pinadalhan ito ng imbitasyon ng OTS para dumalo sa zoom meeting ng NAIA One Stop Shop kungsaan inakala nito na makatutulong ang kaniyang kaalaman bilang AVsec Instructor ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang pagtugon sa airport screening at iba pang may kinalaman sa kaayusan ng paliparan.

Hindi sukat akalain ni Ducusin na sa gitna ng talakayan ay nasentro ang usapin sa kanya mula sa paghuli nito at pagkulong sa ilang OTS personnel na umano’y sangkot sa ilang katiwalian. Dapat daw na dalhin na lamang sa tanggapan ng OTS o anumang sangay ng pamahalaan na nasa NAIA complex ang sinumang empleyado nito na nagkasala at hindi sa kustodiya ng APD.

Bukod dito, kinuwestiyon din ng OTS officials ang mandato at karapatan ng Airport Police sa NAIA bagay na ipinaliwanag naman ng maayos ni Ducusin ang kanilang paghuhuli sa ilang tauhan ng OTS screeners na umano’y sangkot sa nakawan ng mga bagahe ng ilang pasahero partikular sa OFWs ay isang paglabag sa batas.

Habang nagpapaliwanag si Ducusin ay kaliwa’t kanan ang ipinupukol na panlalait at pagpapahiya sa kanya ng mga opisyal ng OTS habang nakikinig sa kanilang zoom meeting na sinasabing narinig din ng ilang airport employees.

Ito ang nag-udyok kay Ducusin na kasuhan ang mga opisyal at ipaglaban ang kanilang mandato o ‘police power’ sa NAIA complex.

Noong mga nakalipas na buwan ay inaresto din ng APD ang isang miyembro ng Phil. Coast Guard (PCG) na nanlait at pagpapahiya sa pagkatao ng tatlong airport policemen habang nagtatalo sila sa isang minor traffic incident dahilan upang arestuhin nila ang huli.

Naging kontrobersiyal ang OTS sa pagkakasangkot ng ‘tanim bala’ ng ilang empleyado nito.

Ang OTS at PCG ay nasa ilalim ng One Stop Shop na pinamumunuan ni Del Rosario. ( Jojo Sadiwa)

The post Airport police nilait at pinahiya sa zoom meeting, nagdemanda sa Ombudsman appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Airport police nilait at pinahiya sa zoom meeting, nagdemanda sa Ombudsman Airport police nilait at pinahiya sa zoom meeting, nagdemanda sa Ombudsman Reviewed by misfitgympal on Hunyo 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.