ISANG 12-anyos na babaeng Grade 6 student kasama ang kanyang babaeng ka-patid at pinsan ang minasaker ng mga sundalo sa Lianga, Surigao del Sur nitong nakalipas na Martes, Hunyo 15.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Angel Rivas, 12 anyos; nakakatandang kapatid nitong si Lenie, 38; at pinsan nilang si Willy Rodriguez, 20. Ang tatlo ay mga residente ng Sitio Manluy-a, Barangay Diatagon, Lianga.
Sa post sa website ng Save Our Schools Network, ang tatlo ay nagha-harvest ng kanilang mga tanim na abaca nang pagbabarilin ng mga sundalo mula sa 3rd Special Battalion Force (SFB) ng Philippine Army bandang 1:00 ng tanghali sa Sitio Panukmoan, Bgy Diatagon.
Wasak na wasak umano ang katawan ng mga biktima sa tama ng mga bala , pati ang ari nina Angel at Lenie.
Si Angel ay mag-aaral ng Lumad school na Tribal Filipino Program of Surigao del Sur (TRIFPSS), habang sina Rodriguez at Lenie ay miyembro ng isang Lumad organization na Malahutayong Pakigbisog alang sa Sumusunod (MAPASU).
Ayon sa kanilang mga kamag-anak, nagpaalam naman sa militar ang mga biktima bago nagtungo sa kanilang farm para anihin ang kanilang mga tanim na abaca.
Sabi naman ng militar, ang tatlo ang mga miyembro ng Sub-Regional Sentro de Grabidad Southland, North Eastern Mindanao Regional Committee ng CPP-NPA. Nakuha raw sa mga ito ang mga armas na isang AK47 rifle, 2 kalibre .45 pistola, 2 anti-personnel mine, 2 blasting caps, isang claymore mine, at detonating wires.
The post Mga NPA?: 12-anyos babaeng Grade 6 student, ate at pinsan ‘minasaker’ ng militar sa Surigao appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: