Facebook

15 masahista dinakip sa ‘extra service’

DINAKIP ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 15 babaeng masahista na nag-aalok ng “extra service” sa kanilang kli-yente sa Maynila.

Ang mga babaeng ito ay naibu-book sa pamamagitan ng social media.

Sa ulat, apat na babae na nasa lobby ng isang hotel ang unang inaresto ng NBI.

Mga masahista umano ang mga babae na “door-to-door” ang inaalok na serbisyo pero nauuwi sa prostitusyon dahil sa alok na “extra service.”

“Wala silang mine-maintain na spa clinic, pero mine-maintain nila ‘yung mga babae sa isang lugar at doon mayroong receptionist na siya ang tumatanggap ng mga pera o bayad doon sa mga babae na nai-book sa social media platform,” ayon kay Atty. Janet Francisco, NBI anti-human trafficking division chief.

The post 15 masahista dinakip sa ‘extra service’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
15 masahista dinakip sa ‘extra service’ 15 masahista dinakip sa ‘extra service’ Reviewed by misfitgympal on Hunyo 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.