Facebook

Ala-Duterte rin kung mangako si Pacquiao

SUNTOK sa buwan itong binitawang salita ni Senador Manny Pacquiao. Na kapag siya ang nahalal na presidente ng Pilipinas, mawawala ang squatters sa bansa!

“Kung ako maging Presidente, 4 to 5 years wala kang makikitang squatter sa Pilipinas. Lahat magkakaroon ng sariling tahanan. Lalo na iyang sa Metro Manila, lahat ng squatters magkakaroon sila ng tahanan, condominium o subdivision. Wala silang babayaran kahit piso,” sabi niya sa isang panayam noong June 13, 2021.

Masarap ito pakinggan pero malabo pa sa ata ng pusit na mangyari ito sakali mang maging lider nga siya ng 110 million Pinoy mula sa 2022.

Unang-una, saang lupa ka magpapatayo ng condominiums o subdivisions sa Metro Manila eh okupado nang lahat.

Sa totoo lang, napakarami nang housing programs ang gobierno sa labas ng Metro Manila, pero mga nakatiwangwang nalang, walang nakatira. Kasi nga malayo sa Metro Manila, walang pagkakakitaan, Sa madali’t salita gutom sila doon.

Yung mga nabigyan ng bahay sa housing, iniiwanan lang nila, ibinibenta at bumabalik sa Kamaynilaan kungsaan sila kumikita sa pagtitinda, pagkakargador, pagka-katulong at pagnanakaw ehek!

Ang pramis na ito ni Pacquiao ay katulad lang ng naging pangakong napako ni Pangulong Rody Duterte noong 2016 election campaign na sa loob ng 3 to 6 months ay magiging drug-free ang Pilipinas, walang trapik, walang korapsyon, magiging ala-Singapore ang bansa.

Ang banat nga ni Pastor Quiboloy sa sinabing ito ni Pacquiao ay:

“Complexity of problems in society cannot be solved by simple minded people. That’s wishful thinking. Gusto mong mawala ang squatter sa Pilipinas? Huwag mo silang gawan ng tahanan. Alisin mo ang pagiging squatter ng kanilang utak. Kasi hangga’t squatter ang utak niyan, kahit ilagay mo iyan sa codominium, babalik sa squatting iyan.”

Tama si Quiboloy!

Ang mabuti sigurong gawin ngayon ni Pacquiao ay magkonsentreyt muna siya sa kanyang training laban kay Spence sa Agosto. Ipanalo nya ang labang ito para makuha niyang tuluyan ang mass vote at makuha ang presidential seat sa Mayo 2022.

Totoo. Malakas ngayon si Pacquiao sa mga survey para sa pagkapangulo at pangalawang pangulo. Pero makabubuti na tutok muna siya sa boxing training. Dahil kapag natalo siya kay Spence, maglalahong parang bula lahat ng pangarap niya sa politika pati mga naipon nya sa pagboboksing tulad ng nangyari kay Mike Tyson na naghirap matapos malasing sa kayabangan at karangyaan noong kanyang kasagsagan sa ibabaw ng lona. Mismo!

***

Inirereklamo ang napakaraming vendors sa bangketa sa Puregold Tayuman, Tondo, Manila.

Wala na raw madaanan ang mga tao dahil puros tindahan na, masikip na para sa commuters. Tapos may nagtayo pa rito ng bahay-bahay at nakahambalang lang ang mga gamit nito. Tsk tsk tsk…

Paging DPS-Manila: Paki-ayos ng lugar. Ayaw ni Yorme ng ganyan.

Grabe raw mangotong sa vendors ang ilang pulis sa Quiapo, Manila.

“Pagkain at pambayad namin sa 5/6 sa kanila lang napupunta. Anak namin wala na makaiin,” text ng isang vendor.

Ang laki na ng sueldo ng pulis, nangongotong parin! Baka mabidyuhan kayo, Sir!

Manmanan!

The post Ala-Duterte rin kung mangako si Pacquiao appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ala-Duterte rin kung mangako si Pacquiao Ala-Duterte rin kung mangako si Pacquiao Reviewed by misfitgympal on Hunyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.