Facebook

‘MAKAPILING’ OPOSISYON

ANONG klaseng kababayan ang hahayaang panghimasukan ng ibang lahi ang ating lipi upang i-discredit ang lider na kanilang kinamumuhian at kinaiinggitan?

Sila ang mga MAKAPILI ng bagong panahon na kinabibilangan ng mga oposisyong dilaw, pula at puti na lahat ay gagawin para lang pabagsakin ang kinasusuklamang nasa Malacañang.

Dahil sa ayaw ng mga talangkang kritiko na magtagumpay si PDigong sa kanyang ikinasang ‘drug war’ ay kung anu-ano na ang pinalutang nilang wala nang human right sa bansa at berdugo umano ang Pangulo dahil sa mga nalagas na mga salot na sugapa sa droga sa bansa mula sa mga pushers at users at pasimunong druglords.

Isa umanong crime against humanity ang giyera kontra iligal na droga ni PDu30 na nagpasuko sa maraming adik na pinili ang magbago habang ang mga nasawi ay itinuloy ang ginagawa ang kanilang pagkasugapa at lumaban na ng patay kung patay sa mga otoridad.

Kung hindi ikinasa ni PRRD ang pangako niyang drug war ay hahantong sa pagiging narco-state ang ating bansa na napabayaan o kinunsinte ng nakaraang administrasyon.

Dahil di nila kaya ang dating alkalde ng Davao City,nagsumbong ang mga ungas sa Intrnational Criminal Court(ICC) dahil anila sa patuloy na pagkalagas ng mga pinagtatanggol ng mga MAKAPILI na buhay ng nga adik kesa sa mga napaperwisyong mamamayan mula lungsod na umabot na sa kanayunan ang mga zombies ng lipunan.

Tuwang-tuwa ang mga hangal na oposisyon matapos ipahayag ang mga baliw na taga-ICC na kanilang iimbestigahan si PDuterte na ang pinagbasehan ay sumbong ng mga salot na oposisyon at biased media.

Kinain na ng mga kupal ang kanilang dignidad ng pagiging Pilipino sa pangengelam ng dayuhan sa sariling bayan.

Op kors di naman ito papayagan ng Duterte administration dahil walang jurisdiction ang ICC sa Pilipinas kasi kumalas na ito bilang miyembro tulad din ng ibang bansang nakita ang di patas na pag-iimbestiga at desisyon ng mga prosecutors nito.

Tameme na naman ang MAKAPILING oposisyon dito na naglalagutok ang mga bagang para makitang nililitis ng mga putris ang Pilipino.Mas mahal nila ang buhay ng adik kesa inosenteng mamamayang nabibiktima ng mga zombie na perwisyo sa buhay ng sambayanan.

Kaya nga isinusuka ng buong nasyon ang iilang porsyentong dilawan,pulahang makakaliwa , puting kaparian at biased media ng mga oligarko.MANIGAS KAYO!

Fyi: Ang MAKAPILI ay nagsimula noong panahon ng hapon na nakamaskara ng bayong at nagtuturo sa mga nakalinyang Pilipino upang ipahamak kung sino ang mga Hukbalahap( Hukbong Bayan Laban sa Hapon para sa kapakanang pansarili..mula noon meron ng ganyan hanggang ngayon

BY GOLLY!

LOWCUT: Huli na ng mga mas batang GILAS Pilipinas ang pormula ng mga Koreano na laging tumatalo sa mga Pinoy lalo sa crunchtime. Tinapatan lang ng bilis , depensa,asinta, tangkad at pokus upang tarantahin ang mga singkit. Tinalo ng mga mas batang Gilas ang kontrapelong Sokors upang mag-qualify sa next roung ng FIBA Asia sa Indonesia sa Agosto. Anuman ang resulta ng kanilang laro kahapon ay saludo at paghanga ang alay ng korner na ito sa magigiting nating pambato dahil pinakamatamis sa lahat ang manalo ang Pilipino kontra Koreano.PUSO!

The post ‘MAKAPILING’ OPOSISYON appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘MAKAPILING’ OPOSISYON ‘MAKAPILING’ OPOSISYON Reviewed by misfitgympal on Hunyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.