Facebook

Dalagita ni-rape ng ka-live ng tiyahin

ARESTADO ang 21- anyos na lalaki nang halayin nito ang Grade 7 na pamangkin ng kanyang kinakasama sa Valenzuela City.

Kinilala ang inaresto na si Raymond Rindado alyas “Emon”, residente ng 141 A. Tongco St., Malinta, na ireklamo mismo ng kanyang 30-anyos na ka-live-in dahil sa pagmomolestiya sa 12- anyos nitong pamangkin na itinago lang sa pangalan “Janet”.

Sa ulat, Miyerkules ng gabi, Hunyo 16, 2021, ginapang ni Rindalo at puwersahang hinalay ang dalagita habang mahimbing na natutulog sa loob ng silid ng kanyang tiyahin sa Kamagong St., Fortune 6, Brgy. Parada sa naturang lungsod.

Matapos ang panghahalay, pinagbantaan ni Rindado ang biktima na huwag magsusumbong kahit kanino kung nais pa nitong mabuhay.

Subalit nitong Biyernes, naglakas-loob ang biktima na sabihin sa kanyang tiyahin ang kahalayang ginawa sa kanya ni Rindado.

Sinampahan ang suspek ng kasong panggagahasa.

The post Dalagita ni-rape ng ka-live ng tiyahin appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dalagita ni-rape ng ka-live ng tiyahin Dalagita ni-rape ng ka-live ng tiyahin Reviewed by misfitgympal on Hunyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.