Facebook

Mag-live in partner tiklo sa P’que buy-bust

TIMBOG ang isang delivery rider at ka-live-in nito sa buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at ng Police Sub-Station 3 ng Parañaque City, Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang inaresto na sina Ronnie Seco Maglangit, 41; at Jennelyn Ribo Maglangit, 42, kapwa residente ng 15706 New Orleans St., Annex 22, Seco Compound, Brgy. Moonwalk, Parañaque City.

Sa ulat, 2:00 ng madaling araw nang gawin ang buy-bust sa bahay ng mag-asawa sa Annex 22, Seco Compound, Parañaque City.

Nakuha sa posesyon ng mag-asawa ang 5 heat-sealed plastic sachetsng shabu na nasa 3 gramo at nagkakahalaga ng P20,400.

Nakapiit ang mag-asawa sa Parañaque Police station custodial facility. (Gaynor Bonilla)

The post Mag-live in partner tiklo sa P’que buy-bust appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mag-live in partner tiklo sa P’que buy-bust Mag-live in partner tiklo sa P’que buy-bust Reviewed by misfitgympal on Hunyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.