Facebook

4 NPA huli nang inguso ng kasamahan

Kalaboso ang 4 na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Misamis Oriental makaraang inguso ng mga dating kasamahan nitong Sabado.

Kinilala ang mga naaresto sina Marlon M. Acosta alyas Jonathan; Marnie L. Berito alyas Edward; Nelson R. Berito alyas Lorence; at Jeffrey B. Macabecha alyas Jelo.

Ayon sa ulat, nakilala ang mga dating kasamahan na sumuko sa pulisya nitong Biyernes na sina alyas Juno at Yesa.

Ang mga ito rin ang nagturo sa pinaglulunggaan ng kanilang kasamahan at pinagtataguan ng mga armas.

Nakuha sa pag-iingat ng mga nadakip na rebelde ang isang AK 47 rifle, dalawang .30 cal. Carbines, at 15 rounds ng .40mm grenade launcher ammunition.

The post 4 NPA huli nang inguso ng kasamahan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
4 NPA huli nang inguso ng kasamahan 4 NPA huli nang inguso ng kasamahan Reviewed by misfitgympal on Hunyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.