SINILABAN ng 18-anyos na lalaki ang kanilang bahay nang mainis sa kinakasama nang hindi padedehin ang kanilang anak sa Barangay Abognan, Taytay, Palawan.
Ipinakita pa sa Facebook Live ng batang ama na si Raymond Estrosas ang ginawang pagsunog sa bahay ng kanyang ina kungsaan din sila nakatira ng kanyang live-in partner.
Ayon kay Fire Officer 3 Ericson Fernandez, lasing si Estrosas at nagtalo ito at ang kinakasama noong June 24.
Sa report, napuno na ang babae at nagpasundo sa kanyang ama para umuwi sa kanilang bahay dahil nadadalas na ang kanilang pag-aaway ni Estrosas.
Nagpakalasing si Estrosas at unang sinilaban ang kanilang bahay 9:00 ng umaga noong Biyernes, June 25, ngunit naagapan ng kanyang tiyahin at napigilang lumaki ang apoy.
Ngunit pagsapit ng 12:00 ng tanghali, nagawa ulit sunugin ng lasing na si Estrosas ang kanilang bahay at ni-livestream pa ito.
Walang nakaawat kay Estrosas nang takutin nito ang sinumang pipigil sa kanya.
Nasa kustodiya na ng pulisya si Estrosas at hinihintay pa ang desisyon ng kanyang pamilya kung kakasuhan ito ng arson, na may parusang habambuhay na pagkabilanggo.
Samantala, ibinahagi ng mamamahayag na si Dennis Principe sa YouTube ang video ni Estrosas nang silaban ang kanilang bahay.
The post Anak ‘di pinadede ni Mommy: Mister nag-FB live sa pagsunog ng bahay appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: