ISABELA – Arestado ang apat na lalaki, tatlo mula sa Metro Manila, nang maharang ang mga ito sa pagpupuslit ng marijuana bricks na nasa P1.2 milyon ang halaga sa Barangay Alunan, Quezon, Isabela.
Kinilala ang mga dinakip na sina Jerwin Lipalam, 24 anyos, ng Tondo, Manila; Jayson Pallares, 23, ng Caloocan City; Alvin Guiyab, 20, ng Balagan, San Mariano, Isabela; at isang alyas Marco,17, ng Tondo Manila.
Nasamsam sa mga ito ang 10 marijuana bricks at isang caliber 38 revolver mula sa kanilang sinasakyang silver Toyota Vios na may plakang NDE 9548.
Naglatag ng checkpoint ang PNP Rizal, Kalinga matapos makatanggap ng impormasyon na mayroong sasakyan na nakatakdang mag-deliver ng marijuana patungong Maynila.
Nang makarating sa checkpoint ang sinasabing sasakyan ay hindi ito huminto, kaya’t agad itinawag ng PNP Rizal kay Police Colonel James Melad Cipriano, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office, at agad inalerto ang mga nakabantay sa checkpoint ng PNP Quezon na nagresulta sa pagkakadakip sa apat.
Isa sa mga nadakip na menor de edad na si Marco ay napilitan lamang umano sumama sa biyahe dahil sa hirap ng buhay dulot ng pandemya.
Nahaharap sa kasong pagkabag sa R.A 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at R.A 10591 ang apat.(Rey Velasco)
The post 3 taga-Metro Manila huli sa P1.2m damo sa Isabela appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: