Ni WALLY PERALTA
NGAYONG buwan ng Hunyo ang kaarawan ni FDCP Chairperson and CEO Liza DiƱo and she will be turning 40 years old.
Kung matatandaan, bago pa man magkaroon ng pandemya sa buong mundo ay naanunsiyo na ni Ms. Dino na willing na siyang maging isang ina ulit. At tanggap naman ito ng kanyang anak na si Amara na magkaroon na siya ng kapatid. All set na rin sina Ice Seguerra at Usec Liza magka-baby through the process of surrogacy.
Pero napag-alaman ng mag-asawa na pwedeng-pwede ang proseso na magkaanak sila pero ang mangyayari lamang ay mawawalan ng karapatan si Ice bilang ina ng bata at dahil sa hindi kinikilala ang same-sex marriage sa bansa ay hindi pwedeng tawagin isang ama si Ice.
“I will carry the baby through surrogacy but under our present laws, the baby will be legally mine and Ice will have no rights. If I do get pregnant, we will have to go the United States where Ice will be recognized as the father,” say ni Usec.
Sa kaugnay na tsika, dahil ngayon buwan ng Hunyo ay dineklarang Pride Month na taun-taon ay may selebrasyon ang LGBTQIA+ community at ang civil right ng mga ito ay close to Usec Liza who has marked her advocacy in the Pelikulaya Film Festival!
It showcase some 15 vintage and new film features about LGBTQIA lives, tulad na lang ng “T-bird at Ako,” the classic Danny Zialcita movie na pinagbibidahan nina Nora Aunor at Vilma Santos at ang Brillante Mendoza’s “Masahista” with Coco Martin.
Pelikulaya Film Fest and its parallel symposia on themes like coming out and depiction of LGBT characters will run from June 4 to 30 at the FDCP Channel.
***
ALL out smile at shookt ang byuti ni Andrea Torres nang makarating sa kanya na may malakas na tsika sa posibleng pagsasama nila ni John Lloyd Cruz sa isang sitcom.
Si direk Edgar Mortiz daw ang napipisil ng isa sa producer ng naturang sitcom na si Willie Revillame na maging direktor nito.
“Nagulat din po at siyempre natuwa. Kasi he is a brilliant actor at fan din ako niya. Sa mga interviews ko, yung din laging binabanggit ko na isa siya sa mga gusto kong makatrabaho. So if ever po, malaking honor po for me,” ani Andrea.
Kahit na maraming nagsasabing malabo ang ideyang sitcom na gagawin nina Andrea at John Lloyd ay tila tinatrabaho naman itong mabuti ni Kuya Willie para maging isang katotohanan. Bulalas nga ni Kuya Willie na nag-usap na sila ni GMA Films President Annette Gozon-Valdez at nagpalam na rin si Kuya Willie sa isang opisyal sa ABS-CBN hinggil sa kagustuhan ni Kuya Willie na tulungan si John Lloyd sa pagbabalik nito sa showbiz at naging positibo rin daw ang sagot ng Kapamilya official.
Para masigurado ni Kuya Willie ang pag-oo ni John Lloyd sa sitcom together with Andrea ay inalok pa ni Kuya Willie na maging producer din si John Lloyd.
“Nagkausap naman kami ni John Lloyd na kasama siya sa production, he will be one of the producers. Maaaring kaming dalawa… production for TV or for movies. So sabi ko kay John Lloyd, hindi ka lang dapat artista, dapat producer ka pa. I’ll be here for you, tutulungan kita Lloydie” say ni Kuya Willie.
The post Andrea natulala nang malamang makakasama ni Lloydie sa sitcom appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: