Facebook

Lloydie mas type na ‘di natutulog sa tanghali ang anak na si Elias

Ni JOVI LLOZA

HINDI itinatwa ni John Lloyd Cruz na ang anak ang nagsisilbi nitong inspirasyon.

Pag-amin pa ni si Lloydie sa panayam ng King of Talk Show na si Kuya Boy na hindi raw ganun kadali ang pagiging ama.

Pero sa kabila noon ay hindi na maipaliwanag ng mahusay na akror ang saya na nadarama nang magkaroon na ito ng anak na si Elias.

Tatlong taon na rin si Elias kaya pagkukuwento ng aktor na medyo malikot na ang kanyang anak.

Pag nasa kanya ang anak ay talagang tutok si Lloydie sa unico hijo.

Pabor naman ito na naglalaro ito maghapon at ‘di na nakakatulog sa tanghali at okey lang naman kay John Lloyd.

Sa katunayan ay gustung-gusto ni Lloydie na napapagod ang kanyang anak sa paglalaro at asahan na nga raw ‘yun para mahaba ang tulog ng bagets sa gabi.

Kaysa naman sa gabi ito gising at naglalaro at puyat din ang mahusay na aktor para tutukan  si Elias.

Sey pa ng aktor na minsan nga raw nahuli nito ang anak na kahit antok na ay nagpipilit pa rin ang mata nito na idilat.

Ngayon nga raw ay alam na ni John Lloyd ang feeling ng pagkakaroon ng anak at pagiging ama kay Elias.

Natuwa pa nga si John Lloyd na kuha sa kanya ang mga mata at labi ng kanyang anak.

***

POKWANG WINELKAM NG ILANG KAPUSO STARS

MUKHANG tuluyan na magiging Kapuso si Pokwang matapos na mag-post ng background ng GMA.

At pati dressing room ay napost din ng komedyana na tila may ginagawa na itong taping.

Tahimik naman ang ehekutibo sa nagkalat na usapan sa pagiging Kapuso ni Pokwang at may sitsit kasi na gagawa ito ng weekly drama anthology at comedy show.

Pero nanatili naman tikom ang taga-GMA kung ano nga ba ang katotohanan pero super mega-post na si Pokwang sa kapaligiran ng GMA.

May bulung-bulungan din na ang GMAAC na raw ang hahawak sa career ni Pokwang.

At kahit nga ang ilang Kapuso stars ay binati si Pokwang.

Tulad ni Carla Abellana na nag comment ng “Wowowow, welcome!” sey pa ng fiance ni Tom Rodriguez.

At marami pa ngang nag-welcome kay Pokwang sa pagiging Kapuso na nito.

Well, well, well…’Yun na!

The post Lloydie mas type na ‘di natutulog sa tanghali ang anak na si Elias appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lloydie mas type na ‘di natutulog sa tanghali ang anak na si Elias Lloydie mas type na ‘di natutulog sa tanghali ang anak na si Elias Reviewed by misfitgympal on Hunyo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.