Facebook

Babae nakulam, may lumalabas na uod sa balat at sumusuka ng insekto

KALBARYO ang sinapit ng 61- anyos na ginang sa loob ng tatlong taon dahil sa mga naglabasang uod sa kaniyang balat at parang tinutusok-tusok ang pakiramdam ng kaniyang katawan na hinalang “nabarang” o nakulam ito.

Ayon kay Nanay Martina Bete, may isang maliit na uod na lumalabas sa kaniyang balat na paminsan din may mga lumalabas na langgam na itim sa kaniyang balikat.

Kuwento ni Nanay Martina, taon 2017 nang isang kaibigan niya ang naglahad ng sikreto na meron itong karelasyon sa isang tao. Pero tinutulan ito ni Nanay Martina at nagpayong huwag nilang ituloy ang kanilang relasyon lalo’t pareho silang may asawa.

Gayunman, nabunyag sa maraming tao ang sikreto ng kaibigan ni Nanay Martina, na ikinagalit nito sa huli.

“Nagbitaw siya ng salita, ang sabi niya sa akin, ‘Baka ang kapatid ko sa probinsiya mayroong ginawa sa’yo.’ ‘Pinakulam po ba ninyo ako?’ ang sabi ko, ‘Kung may mangyayari sa akin kayo po ang pagbibintangan ko,'” sabi ni Martina.

“October, marami nang naglalabasan sa leeg ko, na parang may kuwintas ako ng galis, ang kati-kati, mapula siya na hindi na ako makatulog. Tapos may uod na lumalabas. Parang tinutusok ang ulo ko, katawan ko. Hindi ako makatulog. Ang pinakamahabang tulog ko is sabihin nalang nating one hour. ‘Yung mga uod doon sa bahay ang dami… Meron pang minsan na may ahas, dalawang itim,” anang ginang.

Walang namang nakitang findings ang dermatologist na tumingin sa kaniya, at mas lumala pa ang kondisyon ng mukha ni Nanay Martina nang lagyan niya ito ng gamot.

Umabot na rin daw ng 21 albularyo ang nilapitan ni Nanay Martina dahil sa pagkadesperado niyang gumaling, pero walang nakapagpabago sa kaniyang karamdaman.

“Sumusuka ako ng mga buhay, merong uod, sumuka ako ng plastic, tinik ng isda. Nagdi-dispose ako ng hindi ko maintindihan, sari-saring insekto talaga. Ang katawan ko makati, parang ini-inject ‘yung kati sa katawan ko,” kuwento niya.

Hanggang sa nakilala niya ang isang pari sa Bohol, na nagsasagawa ng exorcism rites o pagpapalayas ng demonyo.

“Dineliverance po ako ni Father. Sumuka po ako ng buhay na scorpion, buhay na langaw, buhay na uod,” sabi ni Nanay Martina.

Sa kasalukuyan, gumagamit si Nanay Martina ng sacramentals o mga bagay na binasbasan ng pari na pangontra sa pambabarang sa kaniya, at umiinom din siya ng Holy Water.

Sinabi ni Father Darwin Gitgano, ang paring tumulong kay Nanay Martina, na nakaranas ang ginang ng spiritual harassment, o maihahalintulad sa masasamang espiritu na sumasapi sa katawan ng tao.

“Sa loob ng 10 buwan ay isang oras lang ang pinakamataas na pagkatulog niya. ‘Yung buong balat niya ay merong sugat. Kaliskis ng isda, sinulid, buhangin, may buhay na uod ang lumabas sa kaniyang kamay. Nakita natin na si nanay ngayon ay malakas na. Ito po ay patunay na ang Diyos talaga ay merong paraan,” sabi ni Father Gitgano.

The post Babae nakulam, may lumalabas na uod sa balat at sumusuka ng insekto appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Babae nakulam, may lumalabas na uod sa balat at sumusuka ng insekto Babae nakulam, may lumalabas na uod sa balat at sumusuka ng insekto Reviewed by misfitgympal on Hunyo 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.