Facebook

Pulis na fixer sa mga aplikante sa pagkapulis, sibak

SINIBAK na sa serbisyo ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Guillermo Eleazar, ang nahuling pulis na sangkot sa pangingikil sa mga aplikanteng pulis.

Ayon kay Eleazar, inaprubahan na niya ang pag-alis sa serbisyo kay Police Staff Sgt. Joel Zalun Bunagan na driver ng ambulansya ng PNP Health Service.

Ito’y dahil sa ‘grave misconduct’ matapos mangikil sa police applicants.

Matatandaang hinuli si Bunagan ng mga operatiba ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group sa isang entrapment operation sa Barangay 175 Camarin, Caloocan City noong Mayo 31, nang nanghingi ito ng P100,000 mula sa police applicant kapalit sana ng pagpasok nito sa PNP.

Batay sa record ng PNP, una nang naaresto si Bunagan sa isang entrapment operation ng IMEG sa Barangay Kaligayahan, Novaliches, Quezon City noong Abril 2020 dahil sa kaparehong kaso ngunit nakapagpiyansa.

Nahaharap ngayon si Bunagan sa mga kasong criminal sa korte tulad ng paglabag sa Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Act of 2018 at Republic Act 3019 or the Anti-Graft and Corrupt Practices Act. (Mark Obleada)

The post Pulis na fixer sa mga aplikante sa pagkapulis, sibak appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pulis na fixer sa mga aplikante sa pagkapulis, sibak Pulis na fixer sa mga aplikante sa pagkapulis, sibak Reviewed by misfitgympal on Hunyo 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.