Facebook

Beauty wish makasama si Michael V sa comedy show nang maging Kapuso

Ni GERRY OCAMPO

NGAYONG ganap isang Kapuso talent si Beauty Gonzales ay hindi malayong matupad ang matagal na niyang kagustuhang makasama ang mga comedian actor sa GMA 7, partikular na si Michael V.

Sa interview kay Beauty sa 24 Oras ay naikuwento nito matapos na pumirma ng kontrata sa GMA 7 na bata pa raw siya pinapanood na niya ang comedy show ni Michael V, at gusto niya ang tema ng pagpapatawa ni Bitoy.

“Gusto ko magawa o mapasama sa isang comedy show at makasama ang idol ko na si Michael V.  Bata pa lang ako ay pinapanood ko na siya. Sana makasama ko siya sa isang project,” say ni Beauty.

Best friend ni Beauty ang ex ni John Lloyd Cruz na si Ellen Adarna at madalas ang dalawa ang nag-uusap kapag may problema si Ellen,

Kahit hindi sabihin ni Beauty ay tila may crush siya kay Lloydie dahil kapag napag-uusapan nila ni Ellen ang actor ay tila kinikilig ito.

Ngayong isa nang Kapuso si Beauty ay posibleng magkasama sila ni Loydie sa isang project.

Ngayon pa lang ay inaabangan na si Beauty ng Bubble Gang barkada para makasama niya ang kanyang iniidolo na si Bitoy. Pagdating  kasi sa pagpapatawa ay hindi rin nagpapahuli si Beauty dahil bukod sa pagiging sexy ay kikay at kalog din ito sa tunay na buhay.

***

Winwyn tinuldukan na ang pagsali sa beauty pageant

Sinarado nang tuluyan ni Winwyn Marquez  ang  posibilidad  na muli siyang sumali  sa beauty pageant lalo na sa Bb Pilipinas 2021.

Sa mga throwback  photo video ni Winwyn nang pagrampa niya  sa Reina  Hispanoamericana na siya ang kinoronahan  noong 2017, may nagtanong sa kanya kung sasali pa siya sa beauty pageant. Ang iba kasing kandidata na hindi nanalo sa contest o mga runner-up  lang ang nauwi ay sumasali  uli  at  nagbabakasaling manalo na.

Tulad ni Winwyn ay marami pa rin ang nanghihikayat na sumali siya muli sa beauty contest kahit na tinanghal na siyang winner sa Reina Hispanoamericana, kahit na 29 years old na siya.

“Photo  dump!!!  I  bet  you  guys  haven`t  seen  these photos.

“I am overwhelmed  with  all  of  your messages  grabe non-stop. 2015  and  2017  ako  sumali. Ngayon  2021 na  at  hanggang ngayon ganyan pa rin kayo. Thank  you so much  pero hanggang  sa pag-support  na  lang ako sa mga candidates  natin  and  sa mga gustong  sumali  sa  pageant.  Minsan magbubukas  talaga tayo ng ibang  chapter  sa  buhay  natin and  need  mag-move on sa ibang bagay, but  sabi  nga  di  ba once  a Miss Philippines, always  a Miss Philippines!” say pa ni Winwyn.

Hindi rin nagmamadali si Winwyn na magkaroon ng lovelife. Tama raw ang naging desisyon niya na maging single at  paghandaan ang kinabukasan.

The post Beauty wish makasama si Michael V sa comedy show nang maging Kapuso appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Beauty wish makasama si Michael V sa comedy show nang maging Kapuso Beauty wish makasama si Michael V sa comedy show nang maging Kapuso Reviewed by misfitgympal on Hunyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.