Facebook

Pia game i-train si Sanya para maging beauty queen; Claudine inamin, Mark Anthony pinakamabait sa mga ex-dyowa

Ni WALLY PERALTA

HINDI talaga pahuhuli ang byuti ni Sanya Lopez pagdating sa mga babaeng kontesera sa mga  beauty contest tulad ng Miss Universe Philippines o Binibining Pilipinas at iba pa.

Sanya got the looks, the height, the fair Pinay complexion at may talino rin naman ibubuga ang Kapuso actress. At ang angking kagandahan na ito ni Sanya ang nagtulak kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na willing siyang i-train si Sanya para maging isang beauty queen.

Marami kasi sa mga nakapanood ng isamg episode sa “First Yaya” na patalbugan sa pagsusuot ng swimwear ng mga babaeng cast kasama si dating Binibining Pilipinas Universe Maxine Medina at Sanya. Kapuna puna na lumalaban nang sabayan si Sanya kay Maxene pagdating sa swimwear, as in di pakakabog ang kaseksihan niya.

“Actually gusto ko rin naman i-explore ‘yung part na ‘yon, ‘yung pagiging beauty queen. Kaya lang talaga, sabi ko sa ngayon, maganda ‘yung binibigay sa akin ng GMA Network.

“Marami akong projects na ginagawa sa ngayon sa GMA, eh talagang ang hirap iwanan. So sabi ko naman, kapag pinalad tayo of course at kung doon talaga tayo papunta, tingnan natin, ‘di ba?” dagdag na say pa ni Sanya.

***

AMINADO ang aktres na si Claudine Barretto na hindi isyu sa kanya nang alukin siyang gumawa ng isang pelikula na ang makakapareha niya ay ang dating boypren na si Mark Anthony Fernandez.

Agad kasing tinanggap ni Claudine ang alok na magsama sila sa isang movie, ang ‘Deception’ to be directed by Joel Lamangan. Say ni Claudine na si Mark Anthony daw ang naging boypren niyang hindi mahirap mahalin, as in kahit naghiwalay sila noon ay napanatili naman nila ang pagiging  magkaibigan.

“Hindi naman talaga mahirap mahalin si Mark. We’ve always been friends so it was not a difficult decision to work with him again,” sabi ni Claudine.

Anong kayang katangian ni Mark Anthony na sa kabila ng break up nila ay nagawa pa niya itong maging kaibigan ito kahit pa third party ang dahilan kung bakit hiniwalayan niya ang aktor.

“We never spoke ill of each other. Sa lahat ng nakarelasyon ko, siya ang pinakamabait. Hindi mo siya makikita na magagalit. He just takes all the jabs! Very gentleman, siguro ako ‘yung dapat mag-ask ng forgiveness from him,”  dagdag  pa ni Claudine.

Ano naman kaya ang say ni Mark Anthony sa  magagandang salitang binitawan ni Claudine para sa kanya?

“We were never enemies. Though walang closure, we have remained friends and I miss pleasing her,” saad naman ni Mark Anthony.

Kung noong kabataan nila ay may kilig pa ang kanilang loveteam, ngayon na kapwa grown-up adults na sila, ano naman kaya ang pwedeng gawin nina Mark Anthony at Claudine para tangkilikin ang kanilang pagbabalik tambalan pagkatapos ng mahigit 2 dekada?

“Basta may mga surprise kami ni Boss Clau sa inyo, meron kaming gagawin na ikakikilig n’yo,” dagdag na saad pa ni Mark Anthony

The post Pia game i-train si Sanya para maging beauty queen; Claudine inamin, Mark Anthony pinakamabait sa mga ex-dyowa appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pia game i-train si Sanya para maging beauty queen; Claudine inamin, Mark Anthony pinakamabait sa mga ex-dyowa Pia game i-train si Sanya para maging beauty queen; Claudine inamin, Mark Anthony pinakamabait sa mga ex-dyowa Reviewed by misfitgympal on Hunyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.