Facebook

Daiana nagbuyangyang ng boobs sa pelikula

Ni ARCHIE LIAO

WALANG takot na nagbuyangyang ng boobs ang Brazilian actress at dating EB Dabarkads na si Daiana Menezes sa pelikulang Coronaphobia, isang napapanahong suspense-thriller na idinirehe ng Palanca-award winning writer na si Njel De Mesa.

Aniya, first time raw niyang gawin ito dahil hinihingi ng kuwento ng pelikula.

“When Direk Njel told me of the film’s high-concept, I was all-in! With regards to the nudity, I guess you can’t really call it gratuitous since the plot calls for it. That’s why I agreed to it,” ani Daiana.

Hirit pa niya,  malaki raw ang respeto at sampalataya niya sa kanyang director na hindi siya ii-exploit kaya pumayag siya sa ganoong mga eksena.

Wala rin daw naman siyang nakikitang masagwa sa pagpapakita ng dibdib dahil maituturing siyang advocate ng breast cancer awareness.

Si Daiana ay isang cancer survivor na ikinakampeon ang nasabing adbokasya para sa kalusugan ng mga kababaihan.

Ang Coronaphobia ay tumatalakay sa kuwento ng apat na dayuhang na-trap sa isang hotel sa panahon ng lockdown.

Kasama sa cast ng pelikula sina Will Devaughn, Paolo Paraiso, Malaysian actress at dating Bb. Pilipinas candidate Cay Kuijpers at Def Jam Philippines rapper na si Tommie King.

Ayon naman kay Direk Njel,  ang nabanggit na obra ay tribute niya sa kanyang amang namatay dahil sa Covid-19 virus.

The post Daiana nagbuyangyang ng boobs sa pelikula appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Daiana nagbuyangyang ng boobs sa pelikula Daiana nagbuyangyang ng boobs sa pelikula Reviewed by misfitgympal on Hunyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.