Facebook

Marian nag-renew sa Beautéderm Home

Ni NONIE V. NICASIO

ANG solid at malakas na partnership ng Beautéderm Home at ni Marian Rivera-Dantes ay tuluy-tuloy sa pag-renew ng brand sa kontrata ng Primetime Queen ng Kupuso Network bilang opisyal na brand ambassador nito sa ika-apat na taon.

Si Marian ang face ng sikat na Reverie line ng Beautéderm Home na kinabibilangan ng all-natural soy candles, room at linen sprays, at air purifiers.

Ang Reverie ay laro ng salita sa pagitan ng apelyido ni Marian nang siya ay dalaga pa, ng pangalan ng Beautéderm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan, at ang konsepto na gustong maging epekto ng brand sa bawat gagamit nito – ang mag-drift away, managinip, at mag-relax habang nag-eenjoy sa mga kakaiba, matatamis, at beautiful scents of love ng Beautederm Home.

Ang Reverie line of Beautederm Home ay kinabibilangan ng Into The Woods (Bamboo Scent), Smells Like Candy (Cherry Scent), Time To Bloom (Fresh Rose Scent), Something Minty (Eucalyptus Scent), at Rest & Relaxation (Lavender Scent) at pati na rin ang dalawang bagong scents na Matcha To Love at Take Me Away – na lahat ay pawang nilikha mula sa pormulasyon hanggang sa indibidwal na packaging sa very close collaboration kasama si Marian.

Saad ni Ms. Rhea, “Marian and I developed a very close friendship over the years mula noong una siyang naging bahagi ng pamilya bilang brand ambassador ng Beautéderm Home. Umakyat na ang relationship namin mula sa negosyo at itinuturing namin ang isa’t isa bilang magkapatid. Madalas kaming mag-usap hindi lang tungkol sa work kundi pati ukol sa updates sa aming mga personal na buhay.”

Sobrang saya ni Marian sa kanyang continued partnership sa Beautéderm Home. “Pamilya talaga kami, napakabuti at napaka-supportive na kaibigan ni Rei sa akin at sobra kong valued ang aming loving relationship. Ang Beautéderm Home ay part na ng aking daily essentials sa pag-maintain ng refreshing ambiance sa bahay na nakaka-relax sa akin, kasama ang asawa ko at mga anak,” anang aktres.

Sa kasalukuyan, patuloy sina Tan at Marian sa pag-collaborate sa pagde-develop ng mga exciting new product sa ilalim ng Beautéderm Home line na inaasahang mai-launch ngayong taon na naghahanda ang brand sa 12th year nito sa negosyo.

Wika pa ni Marian, “Napaka-exciting na taon nito hindi lang para sa akin kundi para sa Beautéderm Home rin. Excited ako sa maraming projects at collaborations na gagawin namin at very grateful ako sa wonderful friendship na pinagsasaluhan namin ni Rei. It’s really a blessing to find true and lasting friendship in this industry and I will always be happy to call her sister and I am honored to represent Beautéderm Home.”

Para sa karagdagang impormasyon sa Reverie by Beautederm Home at exciting updates on Marian, sundan ang @beautedermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautederm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

The post Marian nag-renew sa Beautéderm Home appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Marian nag-renew sa Beautéderm Home Marian nag-renew sa Beautéderm Home Reviewed by misfitgympal on Hunyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.