Facebook

Titser dyinowa ang dalagitang estudyante, kulong

KULONG ang isang guro nang makipagrelasyon sa kanyang dating estudyante na menor de edad sa Cordon, Isabela.

Sa ulat ni Police Captain Grandeur Tangonan, hepe ng Cordon Police Station; kay Col. James Melad Cipriano, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO; kinilala ang akusado na si Mike Jimbo Baloran, 24 anyos, may asawa, guro at residente ng Barangay Turod, Cordon.

Ayon kay Capt. Tangonan, isinilbi nila ang arrest warrant laban kay Baloran mula sa sala ni Judge Nicasio Bautista III ng RTC Branch 21 Santiago City sa kasong ‘Qualified Seduction’.

Sa report, dalawang taon na ang nakakalipas nang ireklamo ang akusado ng isang pamilya dahil sa pananamantala sa kanyang 16-anyos na estudyante na itinago sa pangalang Lhea.
Depensa ng akusado, magkasintahan sila ng kanyang estudyante.

Inamin ng biktima na may namamagitan sa kanila ng akusado, subali’t nanindigan ang magulang nito na mali at hindi tama ang kanilang relasyon kaya ipinagpatuloy nila ang kaso laban sa guro.

Ang kaso laban sa guro ay may piyansang P30,000.(Rey Velasco)

The post Titser dyinowa ang dalagitang estudyante, kulong appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Titser dyinowa ang dalagitang estudyante, kulong Titser dyinowa ang dalagitang estudyante, kulong Reviewed by misfitgympal on Hunyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.