MAY dalawang Bogdanovic na basktbolista sa NBA pero hindi sila magkamag-anak. Si Bogdan Bogdanovic ng Atlanta ay isang Serbian samantalang si Bojan Bogdanovic ng Utah ay isang Croatian..
Marami ang nalilito sa mga Eurpeanong ito kabilang na si Aling Barang. Pareho silang Caucasian. Halos magkasingtangkad at magkasingtimbang. Wingman pa parehas. Pambato rin sila ng kani-kanilang mga pambansang team.
Kapwa silang nasa 2nd round na ng playoffs ngayon. Si Bogdan ng Hawks kontra sa 76ers habang si Bojan ng Jazz laban naman sa Clippers. Posible pa nga silang magharap sa Finals kung sila tanghalin na mga kampeon ng West at East.
***
Kahit sino magwagi sa serye ng Milwaukee at Brooklyn sa semis ng Eastern Conference ay panalo ang Motorola.
Sponsor ang tagagawa ng cellphone ng Bucks at Nets. Kapansin-pansin ang nakaprint na logo ng kumpanya sa jersey nina Giannis Antetokounmpo at Kevin Durant. Masaya tuloy sina Sherwin Bringas na konektado sa tagapamahagi ng Motorola dito sa Pinas. Lalakas pa benta nila.
***
Yung mahigit isang taon na pagawaan ng mga malikhaing uniporme sa basketball at esports na BlackTop.Ph ay siyang napiling official outfitter ng Columbia/Terrafirma Dyip sa PBA.
Ayon kay AC Valdenor, may-ari ng factory, ay handa na sila bihisan ang koponan sa pagbubukas muli ng PBA.
Binanggit din ni AC na pupukpok ng husto ang prangkisa ng mga Alvarez ngayong season dahil kina James Laput at Joshua Monson. Nakita raw mismo niya sa praktis ang dalawa at talagang impressed siya sa husay ng mga rookie ng team ni Coach Johnedel Cardel.
***
Nasaan na ang mga Fortaleza Brothers? Naka-chat natin noong isang araw ang dating amateur boxing champ na si Rey Fortaleza na nakabase na sa Vancouver, Canada.
May 3 pa siyang utol na mga boksingero rin. Si Ricardo na nasa Australia na naninirahan, si Rogelio na nandito sa Manila at si Renato na pumanaw na may 18 taon na.
The post Bog vs Bog! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: