Facebook

Bong Go: Mga kurakot sa pandemya, mananagot

MALAKI ang tiwala sa ginagawang pagtugon o paggastos ng pamahalaan sa pondo sa harap ng COVID-19 crisis, muling nagbabala si Senator Bong Go sa mga pampublikong opisyal na sila ay mananagot sa batas kapag nasangkot sa mga gawaing kabalbalan at kurakutan sa panahon ng pandemya.

“Malaki ang tiwala ko sa gobyerno, kay Secretary Carlito Galvez Jr. at Secretary Carlos Dominguez na ni piso wala dapat masayang. Kasi kapag mayro’n nanakaw at mawala, ako mismo ang magsasalita at magsasabi kay Pangulong Rodrigo Duterte na kasuhan sila,” sabi ni Go.

“Kung may pagdududa na may kalokohan, ako mismo ang papalag at magkakaso sa mga taong pumasok sa katiwalian. Hindi kami papayag ni Pangulong Duterte na may masasayang ni kahit piso,” anang senador.

Kaugnay nito, nagbabala rin si Go sa mga Filipino na itigil na ang pagpapakalat ng mga mali o hindi beripikadong impormasyon na makaaapekto sa persepsyon ng publiko sa COVID-19 vaccine process, makasisira sa rollout at makapagpapalala sa health situation ng bansa.

“Hindi ito ang panahon ng pagdududa, siraan o pagsisisihan. Ito ang panahon ng pagtutulungan … Ang problema ngayon mayro’n non-disclosure agreements sa pagitan ng gobyerno at mga vaccine suppliers. We cannot afford na maputol ang supply nila sa atin dahil lang sa pagdududa. Matatakot sila kung pinagdududahan sila at matatagalan ang supply dito sa ating bansa,” paliwanag ni Go.

Iginiit ni Go na ang nangungunang prayoridad ng gobyerno ay tiyakin ang maayos at episyenteng rollout ng pagbabakuna sa publiko, partikular sa priority sectors.

Ipinalala niya sa bawat isa na manatiling sumunod sa essential measures ng pagsusuot ng mask, social distancing, madalas na paghuhugas ng kamay at magpabakuna kung may pagkakataon na.

“Tuloy-tuloy ang ating bakuna. Nakakalabas na ang ating senior citizens kaya nananawagan ako sa inyo na magpabakuna na kayo. Huwag niyo palampasin ang pagkakataon na ito. Ika nga, ‘pag nandiyan na ang bakuna sa harap niyo, magpabakuna na kayo,” apela ni Go.

“Sayang po ang bakuna. Pinaghirapan natin ito dahil limitado ang suplay. Hirap na hirap tayo kaya ‘wag niyo sayangin. Proteksyon niyo ito. Ito ang solusyon para unti-unti na tayong makabalik sa normal nating pamumuhay at mabuksan ang ekonomiya,” idinagdag ng mambabatas.

Nang tanungin hinggil sa health situation sa Mindanao, sinabi ni Go na ginagawa ng Duterte administration ang lahat gaya ng pagbibigay ng suporta para maproteksyonan ang ating mga kababayan.

“As a Mindanaoan, hindi ako papayag na mahuhuli ang Mindanao. Pinag-aaralan ng [Inter-Agency Task Force] kung saan talaga ang critical areas at inatasan na ni Pangulong Duterte na unahin ang critical areas, gaya ng Dipolog City, Cagayan de Oro at Dumaguete City.”

“Kung kailangan buhusan ang isang lugar ng bakuna dahil delikado, ay dapat i-deploy at iturok agad ito para walang masayang. Sa National Capital Region, nung tumaas ang kaso at halos napuno ang mga ospital, bumuhos tayo ng bakuna at nag-stabilize ang sitwasyon. Nababalanse naman po,” ayon sa senador. (PFT Team)

The post Bong Go: Mga kurakot sa pandemya, mananagot appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go: Mga kurakot sa pandemya, mananagot Bong Go: Mga kurakot sa pandemya, mananagot Reviewed by misfitgympal on Hunyo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.