
NAPAKADALI na ang mag-apply at mag-renew ng business permits sa Maynila na aabutin lamang ng ilang minuto at ito ay dahil virtual na ang magiging proseso para dito.
Ito ang inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno matapos siyang personal na igiya at ipakilala nina bureau of permits chief Levi Facundo at electronic data processing department head Fortune Palileo sa bagong innovative system at sa layunin nitong tuluyan ng alisin ang human interaction at intervention na siyang pangunahing dahilan ng pagkakabalam ng proseso at nagiging ugat ng katiwalian at korapsyon na pinagpipistahan ng mga fixers.
Sa pamamagitan ng virtual application at renewal processes na tinatawag na E-BOSS (business one-stop shop), malugod na sinabi ni Moreno na ang mga may-ari ng negosyo sa Maynila ay maari ng makipagtrasaksyon kahit nasa loob sila ng palikuran at makakatipid pa ng gasolina at pamasahe dahil di na sila kailangang magtungo sa Manila City Hall .
Ayon kay Moreno, lahat ng requirements na kailangan para sa business permit applications ay matatagpuan na rin sa online system. Ito ay ang mga ancillary permits na hinihingi mula sa Bureau of Fire at barangay, na kinabibilangan ng fire safety inspection certificate at barangay clearance.
Pinuri ni Moreno sina Facundo at Palileo dahil sa ginawang napakalaking pagbabago na pipigil sa panganib na dala ng pagkakabilad at pagkalat ng COVID-19 hindi lamang sa bahagi ng mga may-ari ng negosyo kundi maging sa mga kawani ng City Hall.
Sinabi ng alkalde na ang tanggapan ni Facundo ay magkakaroon ng mga kawani na tutulong sa mga tao na hindi ‘techie’ o kapos sa kaalamang teknikal, upang maintindihan nila ang bagong sistema at tuturuan sila upang kapag kailangan nilang mag-renew ay hindi na sila kailangan pang pumunta ng City Hall.
Sa pamamagitan ng virtual na eskema, sinabi ni Moreno na ang mga naghahanap ng pagkakakitaan sa pamamagitan ng ‘fixing’ at red tape ay tuluyan ng mawawala sa Manila City Hall. Ang kabuuang oras para marapos ang transaksyon ay aabutin lamang ng 25 minuto at kapag nai-post na ang halagang babayaran ay maaari na ring gawin ang bayaran online, ayon pa sa alkalde.
Sa bahagi ni Facundo, sinabi nito na… “the system has been developed in line with the national government’s commitment and more importantly with the mayor’s desire of addressing bureaucratic red tape and streamlining the business permit processing system and therefore, reduce significantly, if not totally eliminate person-to-person transactions in view of the COVID-19 pandemic.”
Ayon kay Facundo ang naturang E-BOSS ay pormal na inilunsad nitong Huwebes ng tanghali kasama sina city treasurer Jasmin Talegon, city engineer Armand Andres at assistant secretary Letlet Zarcal.
“Ushering in a new era for proud Manileños with regards to the City’s revenue generating efforts and its drive to provide a hassle-free on-line business permit processing scheme for its taxpayers,” dagdag ni Facundo.
Sinabi pa ni Facundo na simula nang manungkulan bilang alkalde ng Maynila si Moreno noong July 2019 ay marami na itonh ipinakilalang mga malalaking pagbabago upang makapagbigay ng kumbinyente, mablis, maasahan at episyenteng serbisyo para sa mga taxpayers. (ANDI GARCIA)
The post Renewal ng business permits sa Maynila, virtual na — Isko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: