
ISINILANG ang International Criminal Court (ICC) noong 2002 upang maiwasan na maulit ang mga masasamang yugto sa kasaysayan kung saan ang mismong lider ng mga bansa ang pangunahing lumalabag sa karapatan ng mga mamamayan. Sapagkat hindi ordinaryong mga kaso ang hinahawakan ng ICC – genocide (pagpuksa ng isang lipi), crimes against humanity, war crimes at crimes of aggression, itinuturing na mabilis ang proseso ng pandaigdigang hukuman upang mabailis na madakip at madala sa katarungan ang sinumang lider ng lumalalabag sa karapatan ng mga mamamayan.
Ito ang dahilan kaya may mga pananaw na mabilis na kikilos ang ICC upang imbestigahan si Rodrigo Duterte sa paglabag umano ng mga karapatang pantao ng maraming mamamayan sa ilalim ng kanyang madugo ngunit nabigong digmaan kontra illegal na droga. Makikita ang pagkilos ng ICC sa loob ng tatlong buwan kahit na unang ipinahayag ng gobyernong Duterte na hindi ito makikipagtulungan sa imbestigasyon. Puspusan at paspasan ang pagsisiyasat, anila, at hindi bibiruin si Duterte at mga kasapakat.
Malinaw si Fatou Bensouda, ang nagretirong hepe ng Office of the Prosecutor ng ICC, sa mga nakatakdang pagkilos ng ICC. May mga sapat na ebidensiya na nakalap ang kanyang opisina laban kay Duterte at kasapakat. Ito ang dahilan kung bakit inaasahan na kilos ng maagap si Karim Kahn, ang Ingles na pumalit kay Bensouda. Kahit hindi papasukin ang mga tauhan ng ICC upang magsiyasat, may mga nakahandang hakbang upang dalhin si Duterte sa hustisya at papanagutin sa pagkamatay sa pagitan ng 16,000 hanggang 30,000 na pinatay sa ilalim ng giyera kontyra droga.
Bagaman nailatag noong 2017 ang sakdal na crimes against humanity laban kay Duterte at iba pa sa ICC, walang istratehiya o paghahanda ang pangkat ng tila nababaliw na lider upang harapin ang Bensouda Final Report na nagtatakda ng masusing pagsisiyasat laban sa kanila. Tanging si Harry Roque, ang bumaligtad na manananggol ng karapatang pantao, ang nagsasalita para sa panig ng mga nasasakdal. Baluktot ang katwiran at mababanaag ang kakulangan ng malinaw na lohika upang ibigay ang panig na mga inakusahan.
“Legally erroneous” at “politically motivated” – ito ang pabalagbag na bintang ni Roque sa Bensouda Final Report kung sino sinabi na may batayan ang mga akusasyon kay Duterte ang kanyang gobyerno at tauhan ang tumatangkilik at gumagawa sa malawakang patayan sa ilalim ng digmaan kontra droga. Hindi ipinaliwanag ni Roque kung bakit “legally erroneous” ang sakdal. Malinaw na tinanggap ng ICC ang sakdal na naunang iniharap ni Sonny Trillanes at Gary Alejano sa panahon na hindi masansala si Duterte sa mga patayan.
Walang paliwanag si Roque kung bakit “politically motivated” ang sakdal at tugon ni Bensouda. Hindi mga pulitiko ang mga tao sa ICC at malinaw na wala silang pakialam sa pulitika ng Filipinas. Katwiran ng mangmang ang iniharap ni Roque. Basta may nasabi lang at huwag mapahiya sa kanyang amo na hindi nagtatrabaho. Mukhang ito ang layunin ng kanyang mga katwiran ng bumulaga sa daigdig noong ika-14 ng Hunyo ang Bensouda Final Report.
Hindi tapos iyan. Iginigiit ni Roque bilang posisyon ni Duterte at mga kasapakat na soberanya ang usapin. Hindi basta puede pumasok ang ICC sa usapin ng digmaan kontra droga sapagkat ito ay isyung panloob ng Filipinas.Ito ay pansariling isyu na hinaharap umano ni Duterte, ayon sa baluktot ni Duterte. Kasalukuyang ginagawa ng gobyerno ni Duterte ang ilang hakbang upang maiwasan ang mga patayan. Hindi malinaw ang katwiran ni Roque.
Iginiit ni Roque na ibinatay ni Bensouda sa mga haka-haka, o mga tsismis ang mga detalye na binanggit sa 57-pahina ulat, aniya. Nagkataon na nagkaroon ng “collateral damage” sa mga haka-haka. Pinagtawanan si Roque sa kababawan ng kanyang argumento.
***
MAGANDANG itanong kung ano ang kahihinatnan ng sakdal laban kay Duterte at mga ilang kasapakat. Mahabang proseso ang pagdadaanan sa mga susunod na buwan at taon. Dadaanan ito sa masusing imbestigasyon na ang resulta ang magsisilbing batayan kung lilitisin o hindi si Duterte. Ngunit madugo ang proseso ng imbestigasyon, sa maikli.
Maaaring maglabas ng mga summon order upang hingin ang mga dokumentong nasa pag-iingat ng mga sangay ng gobyerno tulad ng PNP, NBI, AFP, at iba pa. Maaaring maglabas ng mga arrest order upang pigilin ang mga patayanat kasama na si Duterte sa maaaring arestuhin ng ICC katulong an gating awtoridad. Hindi lahat ng mga opisyales ng PNP o AFP ay kakampi ni Duterte. Pinakamarami ang mga propesyonal na alagad ng batas na ang katapatan ay hindi kay Duterte kundi sa Saligang Batas.
Bago itong ganitong sakdal laban sa pangulo ng bansa. Tanging si Duterte ang nasasakdal ng crimes against humanity sa ICC. Hindi alam ng sambayanan kung paano gugulong ang kaso. Mabuti at pinag-aralan ng Samahang Magdalo ang ICC at pinagtiyagaan sa pamamagitan ni Sonny Trillanes at Gary Alejano na magharap ng sakdal sa bungangerang si Duterte. Hindi natin alam kung paano iinog ang kaso, ngunit maigi na mapigil ang abuso at pagyurak sa karapatang pantao ng sinumang Filipino.
***
HUWAG kasisiguro sa kampo ni Duterte. Bagaman hindi nila pinaghandaan ang paglabas ng Bensouda Report at lumabis ang kanilang yabang na walang mangyayari sa sakdal, pipilitin nilang ibangon ang natitirang dangal – at siyempre, yabang sa katawan. Hindi kami magtaka kung gumawa sila ng hakbang na kunin ang atensyon ng mundo na sila ang pinagsasamantalahan ng ICC.
Babaligtarin nila ang usapin at palalabasin na sila ang biktima. Sa maikli, sila ang dapat kaaawaan. Mayroon silang salapi at troll army upang gawin iyon. Gayunpaman, hindi sila kagalingan. Nasa kanilang hanay ang mga pipitsugin.
***
QUOTE UNQUOTE: “The question is who is going to be the one to serve the warrant? it is not as easy as it sound, even with former yugoslav war criminals it took decades to hunt them down what the succeesful ICC prosecution will mean is that they are subject to arrest whenever there is an opportunity it means that if they ventured out of this country they will be arrested on countries this will also mean they will have to stay here For Duterte that is not a problem as he is not getting any younger but for guys like bato, he will be crying and sooner or later ICC will get them and worst, they will have to live with the reputation of having been convicted of crimes against humanity and several other cases On the other hand if by next year a candidate that is not sympathetic to them were to win, they will also be subject to prosecution and will end up in jail. However i am not sure how this will affect the ICC case as ICC is the court of last resort and they will step in if the country in question has a failed judicial process. In the meantime it is very likely that the regime is hoping their proxy will win and if that were the case, it will bolster the ICC cases so any which way you look at it, they are in a very bad place.” – Andrew Chester Ong, netizen
The post Iba ang ICC appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: