Facebook

Bucks naipuwersa ang Game 7 vs Nets

PINANTAY ng Milwaukee bucks ang serye sa tig-tatlong panalo matapos na gibain ang powerhouse team na Brooklyn Nets sa Game 6 sa iskor na 104-89, kahapon sa nagpapatuloy na NBA semifinals sa Fiserve Forum sa Milwaukee.

Dahil dito lumawig ang serye sa Game 7 na gaganapin sa Linggo sa teritoryo ng Brooklyn.
Sinuman ang mananalo sa do-or-die game ay uusad sa Eastern Conference finals.

Dinomina ng Bucks ang laro at hindi na hinayaang makaungos pa ang Nets sa pangunguna ni Khris Middleton na may 38 points habang si Giannis Antetokounmpo ay nagdagdag ng 30 points at 17 rebounds.

Samantalang si Jrue Holiday ay nagpakawala ng 21 points, eight rebounds at five assists.

Sa pagkakataong ito hindi na umubra ang tambalan ng dalawang superstars na sina Kevin Durant na may 32 points at 11 rebound at si James Harden na nagbuslo ng kabuuang 16 points.

Halatang wala pa sa kanyang 100 percent performance si Harden na kagagaling lamang sa injury.

Bumangon ang Milwaukee mula sa masaklap na pagkatalo sa Game 5 kung saan naging tampok sa panalo ng Brooklyn ang epic 49-points mula kay Durant.

The post Bucks naipuwersa ang Game 7 vs Nets appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bucks naipuwersa ang Game 7 vs Nets Bucks naipuwersa ang Game 7 vs Nets Reviewed by misfitgympal on Hunyo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.