
PATUTUNAYAN ni Filipino boxer Michael Dasmarinas na kaya nyang itumba kapag nakaharap ang Japanese superstar Naoya Inoue sa kanilang world bantamweight title clash sa Virgin Hotels sa Las Vegas,Nevada sa Linggo.
Si Dasmarinas ay itinuturing na underdog laban kay Inoue, ang unified super WBA at IBF bantamweight king na tumalo sa kababayang si Nonito Donaire noong November 2019.
Ito ang unang major world title bout ni Dasmarinas sa loob ng kanyang nine-year career.
“Para sa akin, sobrang mahalaga itong laban dahil maraming sakripisyo ako at ‘yong team ko na tumulong sa akin sa training (This fight is very important for me because my teammates and I sacrificed a lot in training),” Wika ni Dasmariñas sa Japanese reporters sa video pinaskil ng kapwa Filipino boxer Mark Magsayo. “Ito ‘yong para sakin, pinaka-biggest fight [sa career], sa laban ko na ‘to. Kaya gagawin ko lahat ng makakaya ko sa laban (This is the biggest fight of my career. I will do my best to win this fight).
“Gusto ko mapatunayan ko sa sarili ko na may bubuga rin ako sa boxing (I wanted to prove my worth in boxing),” Dagdag pa ng Pili, Camarines Sur native.
Bago dumating sa Las Vegas, Dasmarinas ay nag-training kay veteran coach Freddie Roach sa Wild Card Gym sa Los Angeles, sa nakalipas na ilang Linggo.
May palayaw na “Hot Spicy” nakuha ni Dasmarinas ang karapatan na makatapat ang Japanese “Monster” nang talunin ang kababayan na si Kenny Demecillo noong Marso 2019.
Noong October sa parehong taon, pinataob ni Dasmarinas ang kalabang Thailander Artid Bamrungauea para umangat ang kanyang rekord sa 30-2-1 na may 20 knockouts. habang si Inoue ay walang talo sa 20 laban na may 17 knockouts na ang pinakahuli ay galing sa Australian pug Jason Moloney nakaraang October.
The post Michael Dasmariñas vs ‘Monster’ Inoue sa Linggo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: