Facebook

‘Pinaka-grabe ang korapsyon sa LGUs’

ITO ang ibinunyag ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) commissioner Greco Belgica sa lingguhang forum via Zoom ng National Press Club (NPC) nitong Biyernes ng umaga.

Sabi ni Belgica, napakaraming report nilang natanggap tungkol sa mga katiwalian sa LGUs (barangay, municipal/city, provincial). Mga red tape aniya sa mga bureau of permit at mga proyekto. Kaso wala sa mandato ng PACC na imbestigahan ito.

Ang mandato kasi ng PACC ay imbestigahan ang mga appointed officials sa national government. Hindi rito kabilang ang maliliit. Wala ring kapangyarihan ang PACC na magpakulong o maglitis kundi ang mag-endorso lamang ng kaso sa Office of the Ombudsman o sa Department of Justice.

Simula nang buuin ang PACC sa pamamagitan ng Executive Order ni Pangulong Rody Duterte noong 2017, sabi ni Belgica, as of May 2021 ay nakapag-endorso na sila 157 kaso sa Ombudsman, 89 sa DoJ, 3,407 sa iba’t ibang government departments/agencies/offices.

Ibinunyag din ni Belgica ang kanilang pinakakasuhan sa mga nangulimbat sa Social Amelioration Program (SAP) na umabot sa 9,401, kungsaan 108 rito ay completed na sa fact-finding investigations at ang 35 ay tapos nang imbestigahan.

Pero ang pinakamaraming sumbong ng katiwalian ay sa Department of Interior and Local Government (DILG). Kaso nga, hindi sakop ng kanilang mandato ang LGUs.

Iniulat din ni Belgica ang kanilang mga napatanggal sa serbisyo at mga napakulong na mga opisyal ng Bureu of Customs (BoC), Dept. of Public Works and Highways (DPWH), National Housing Authority (NHA), Bureau of Immigration (BI), Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB), Pangasinan State University (PSU), APO Production Unit, Inc. sa ilalim ng Presidential Communications Operations Office, PhilHealth, at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Kasalukuyang binubuo ng PACC ang pagbuo ng sub investigating council sa bawat govt. agency na mag-iimbestiga kung may sumbong na katiwalian sa isang ahensiya ng pamahalaan.

Ayon kay Belgica, linggo linggo na sila ngayong nag-eendorso ng kaso sa Ombudsman at DoJ.

“Hindi man natin mapigil lahat ng nangyayaring korapsyon sa gobyerno ay mababawasan natin ito ng malaki,” diin ng Belgica.

Sa forum, guest din namin si Atty. Larry Gadon, ang isa sa mga susi ng pagkatanggal ni Ma. Lourdes Sereno bilang Chief Justice few years ago.

Ibinunyag ni Gadon ang pagkaso niya sa presidente ng Philippine International Trading Corporation (PITC), isang attached corporation ng Dept. of Trade and Industry DTI), na si Dave Almarinez.

Ang PITC ang humahawak sa pagbili ng good and services para sa state agencies. Sila ang nagpapa-bidding.

Ayon kay Gadon, tahimik ang korporasyong ito pero grabe ang katiwalian. Ang modus raw nito ay sinasadya ang pagsumite ng mga kulang na dokumento para mapatagal ang pagbili ng mga gamit para tumagal ang pera na aniya’y ipinapasok sa investment companies o pinatutubuan sa mga bangko.

“Ilang bilyong piso ito. Napalaki ng tinutubo, hindi dinideklara sa publiko. Sila-sila lang nakakaalam. Tapos ‘pag bumagsak ang ipinasok nilang pera sa investment, estafa ito,” sabi ni Gadon.

17 govt. agencies ang naglalagak ng pera sa PITC, sabi ni Gadon, kabilang rito ang PNP, AFP, DoH, BoC, DILG, Phil. Sugar Authority, DepEd at ilan pa.

Few months ago, ibinunyag ni Senador Frank Drilon ang P33 billion pondo ng mga ahensiya na naka-park lang sa PITC.

Sabi ni Gadon, ang halagang ito ay nangyari simula 2016 nang maupo si Pres. Duterte. Hindi pa raw kasama rito ang P9 billion n akanyang nadiskubre.

Lahat ng ito sabi ni Gadon ay makikita rin sa report ng Commission on Audit (CoA). Tsk tsk tsk…

The post ‘Pinaka-grabe ang korapsyon sa LGUs’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Pinaka-grabe ang korapsyon sa LGUs’ ‘Pinaka-grabe ang korapsyon sa LGUs’ Reviewed by misfitgympal on Hunyo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.