Facebook

Bus driver nanutok ng pellet gun sa traffic enforcer, kulong

KULONG ang isang tsuper ng bus matapos tutukan ng dalang pellet gun ang traffic enforcer na sumita sa kanya dahil sa pagmamaneho ng tricycle na walang prangkisa sa Malabon city, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang driver na si Roger Trabajales, 45, ng Tolentino St., Tagaytay city, Cavite.

Nakumpiska kay Trabajales ng mga tauhan ni Malabon Police chief, Col. Albert Barot, ang isang pellet gun na may kargang bala sa magazine.

Sa report, nagmamando ng trapiko sa kahabaan ng M.H. Del Pilar St., Barangay Tinajeros si Ramir Maclang, 40, traffic enforcer ng Public Safety and Traffic Management Office (PSTMO) ng Malabon, nang mamataan niya ang minamanehong tricycle ni Trabajales na walang nakalagay na sticker na palatandaan kung may prangkisa ito sa lokal na pamahalaan.

Nang sinita ni Maclang si Trabajales, bigla nitong tinutukan ng baril ang traffic enforcer na nahintakutan sa pag-aakalang tunay na baril ang pellet gun ng driver.

Sinamantala ni Trabajales ang pagkakataon, mabilis na pinaharurot patakas ang minamanehong tricycle, habang palihim naman siyang sinundan ni Maclang sakay ng kanyang motorsiklo.

Pagsapit sa kanto ng Gov. Pascual Avenue at Valdez St., Bgy. Catmon, nakahingi ng tulong si Maclang sa nagpapatrulyang tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5, na nagresulta sa pagkakadakip kay Trabajales.

Sasampahan si Trabajales ng kasong paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act.

The post Bus driver nanutok ng pellet gun sa traffic enforcer, kulong appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bus driver nanutok ng pellet gun sa traffic enforcer, kulong Bus driver nanutok ng pellet gun sa traffic enforcer, kulong Reviewed by misfitgympal on Hunyo 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.