Facebook

Sundalo patay, 2 sugatan sa sumabog na gulong ng military truck

NASAWI ang isang sundalo at 2 kasamahan nito ang sugatan nang tumilapon palabas ng sinasakayang military truck nang sumabog ang kaliwang unang gulong ng sasakyan sa Ipil, Zamboanga Sibugay, Sabado ng madaling araw.

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan si Coporal Ian Cris C. Cantomayor ng Cotabato City sanhi ng tinamong pinsala sa katawan.

Nilalapatan naman ng lunas sa Zamboanga Sibugay Provincial Hospital ang mga sugatan na sina PFC Arvin Zolas, 28, ng San Jose, Camarines Sur; at PFC Jomary D Limos, 28, ng Bayog, Zamboanga Del Sur, na pawang nakatalaga sa 2nd logistic support group/ASCOM nakabase sa Port Bonifacio, Taguig City

Ayon sa ulat, 2:00 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa Purok Germilina, Bgy. Sanito, Ipil.

Sakay ang tatlong sundalo sa isang KM450 military truck na minamaneho ni Zolas at habang binabagtas nila ang national highway galing Zamboanga City patungo sa Bgy. Sanito, sumabog ang kaliwang gulong ng truck dahilan upang mawalan ng kontrol sa manibela si Zolas at bumanga sa gilid ng kalsada.

Tumilapong papalabas ng truck si Cantomayor at tumama sa center lane ng kalsada.

Dinala ang tatlong sundalo ng mga rumesponde ng otoridad sa pagamutan kungsaan idineklarang patay si Cantomayor. (Mark Obleada)

The post Sundalo patay, 2 sugatan sa sumabog na gulong ng military truck appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sundalo patay, 2 sugatan sa sumabog na gulong ng military truck Sundalo patay, 2 sugatan sa sumabog na gulong ng military truck Reviewed by misfitgympal on Hunyo 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.