Facebook

Sumukong NPA patay sa mga dating kasamahan

PATAY ang isang sumukong dating rebelde nang barilin ng kaniyang dating kasamahan na NPA noong Miyerkoles ng gabi, June 23, 2021, sa Zinundungan Valley, Rizal, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Joseph Gamata alyas “Ka Ed” na matagal sumuko sa 17th Infantry Battalion noong 2020.

Ayon sa Cagayan Police Provincial Office, si alyas Ka Ed ay na-recruit sa Anak Pawis at naibilang na miyembro ng NPA noong 2016.

Pagkatapos sumuko, naging kasapi ito ng Cagayan Alliance for Peace and Development (CAPD), isang organisasyon ng mga dating rebelde na layuning makamit ang kapayapaan at kaunlaran sa bansa at pakikipag-laban kontra sa CPP-NPA-NDF.

Ayon pa sa CPPO, nangyari ang pagpatay kay Ka Ed gabi ng June 23 habang natutulog sa kanilang bahay kasama ang asawa at anak na isang taon gulang.

Ginising si Gamata ng nasa 10 katao na mga armado at nakasuot ng itim na damit at pantalon, at bota na sinasa-bing pinamumunuan ng isang alyas Sarol na dati nilang kasamahan.

Ayon sa asawa ng biktima, kinaladkad sila ng mga ito pa-labas ng bahay at nakitang binaril sa dibdib si Ka Ed, dahilan ng agad nitong kamatayan.

Tumakas ang armadong grupo patungo sa Bgy. Lagum, Sto. Nino, Cagayan.

Sa report, napag-alaman umano ng rebeldeng grupo na ang biktima ang nagbibigay ng mga impormasyon sa mga otoridad kaugnay sa aktibidad ng rebeldeng pangkat sa lugar simula nang sumuko ito.

The post Sumukong NPA patay sa mga dating kasamahan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sumukong NPA patay sa mga dating kasamahan Sumukong NPA patay sa mga dating kasamahan Reviewed by misfitgympal on Hunyo 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.