Facebook

Pekeng NBI agent timbog sa carnapping at droga

TIMBOG ang isang negosyante na nagpanggap na National Bureau of Investigation (NBI) agent sa kasong carnapping at nahulihan pa ng droga at baril sa Pasay City noong Biyernes, Hunyo 25.

Kinilala ang dinakip na si Mark Rovel de Ocampo, 41 anyos, ng Meadowoods Executive Village, Bacoor Cavite.

Naging biktima ni De Ocampo sina sina Josephine Llavore, 44; at Rodrigo Villacorta Jr., 38, kapwa rin negosyante.

Sa report ng Pasay City Police, naganap ang insidente 10:45 ng gabi ng Biyernes sa harapan ng Shore Residence sa Sunrise Drive Mall of Asia Complex.

Habang nagpapatrolya ang mga kagawad ng Pasay City Police sa lugar, namataan nilang may kaguluhan sa pagitan ni De Ocampo at mga biktima.

Inalam ng mga pulis ang kaguluhan at nadiskubre mula sa mga biktima na kinarnap ang kanilang sasakyan ni De Ocampo.

Tatakas sana si De Ocampo ngunit kaagad itong hinarang ng mga pulis. Nagpakita ito ng NBI ID badge at nagsabing isa siyang NBI agent. Nasilip ng mga pulis na may baril ito sa kanyang kotse at nakitaan pa ng iligal na droga.

Nahaharap si De Ocampo sa mga kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions), RA 10883 (The New Anti Carnapping Act of 2016 and Sec 11, RA 9165 (Comprehensive Drugs Act of 2002).(Gaynor Bonilla)

The post Pekeng NBI agent timbog sa carnapping at droga appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pekeng NBI agent timbog sa carnapping at droga Pekeng NBI agent timbog sa carnapping at droga Reviewed by misfitgympal on Hunyo 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.