Facebook

DRUG LORD PETER LIM NAKATAKAS NG PINAS’

INAMIN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na posibleng nakatakas palabas ng Pilipinas ang suspected drug lord na si Peter Lim.

“Nawawala narin ito (Lim) at ang tingin natin, nakalabas ng country. Ito iyong mga sinasabi natin na talagang directly connected to our national security,” ani Interior Sec. Eduardo Año.

Kabilang si Lim sa mga kinasuhan ng Department of Justice noong 2018 dahil sa pakikipagsabwatan sa bentahan ng iligal na droga.

Matagal nang nagtatago si Lim, kaya nagpataw ng P500,000 na pabuya ang pamahalaan para sa kanyang pagkakaaresto.

Bukod dito, dawit din ang negosyante sa pagsu-supply ng 90 kilo ng shabu sa “Espinosa drug group” mula 2013 hanggang 2015.

Si Lim ay sinasabing “kumpare” ni Pangulong Rody Duterte. Nag-courtesy call pa ito sa pangulo sa Malakanyang noong 2017.

The post DRUG LORD PETER LIM NAKATAKAS NG PINAS’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DRUG LORD PETER LIM NAKATAKAS NG PINAS’ DRUG LORD PETER LIM NAKATAKAS NG PINAS’ Reviewed by misfitgympal on Hunyo 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.