UMABOT na sa 1,408,058 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa matapos na makapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 4,479 bagong kaso nitong Martes, Hunyo 29.
Habang nasa 50,037 o 3.6% ng total COVID-19 cases ang nananatiling active cases o nagpapagaling pa mula sa virus.
Karamihan naman sa mga naturang aktibong kaso o 90.4% ay mild cases, 4.4% ang asymptomatic, 1.5% ang kritikal, 2.1% ang severe at 1.54% ang moderate cases.
Nakapagtala rin naman ang DOH ng panibagong 6,471 mga bagong gumaling sa karamdaman, sanhi upang umakyat na sa 1,333,464 o 94.7% ng total COVID-19 cases, ang COVID-19 recoveries sa Pilipinas.
Samantala, mayroon din namang 101 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa kumplikasyon ng COVID-19.
Dahil dito, nasa 24, 557 na ang total COVID-19 deaths sa Pilipinas o 1.74% ng naitalang total COVID-19 cases. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)
The post Covid update: 4,479 bagong kaso; 6,471 gumaling; 101 nasawi appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: