MIYEMBRO ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army (CPP-NPA) ang kinatawan ng Kabataan Partylist na si Sarah Elago.
Ito ang mga nakasaad sa mga testimoniya ng mga saksi sa petisyong inihain upang ‘di maisali ang Kabataan Partylist sa halalang 2022.
Sa isang espesyal na edition ng ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), sinabi ni Atty. Marlon Bosantog, Regional Director ng National Commission on Indigenous People (NCIP) ng CAR at isa sa mga tagapagsalita ng task force, ang petisyon nilang inihain sa Commission on Elections (Comelec) ay base narin sa mga pamantayan nito gaya ng ‘di pagsunod sa mga itinatakda ng Saligang Batas ng Pilipinas at ang tanging layunin lamang ng CPP-NPA ay daanin sa dahas ang pang-aagaw ng demokratikong pamahalaan sa bansa.
Sa petisyong nabanggit, tatlong dating ‘kadre’ ng CPP-NPA at miyembro ng Kabataan Partylist ang naghayag na si Elago ay miyembro rin ng samahan at ang organisasyon kinabibilangan nila ay isa lamang sa mga itinatag upang itago ang tunay na pakay ng teroristang-komunistang samahan.
Si Alma Gabin na isa sa mga saksi ng petisyon ay nagsabing dati siyang education department secretary ng Visayas Regional Party Committee ng CPP-NPA at isa sa mga nagtatag ng partylist na noon ay tinatawag pa lamang bilang ‘Anak ng Bayan’ noong 2001 bago ito naging Kabataan Partylist, ngunit ‘di pinalad na manalo sa halalang 2004 at 2007.
Ibinahagi ni Gabin na kasama siya sa mga nagdidisisyon, paggawa ng mga alituntunin ng samahan at maging sa pagpili kung sino ang mga magiging kinatawan ng grupo sa Kongreso. Napabilang pa nga aniya siya bilang pang-limang kinatawan kasabay si Katrina Castillo na “pangalawang nominee” noong 2010 na pangunahing layunin ng grupo.
The post Diskwalipikasyon sa Kabataan Partylist sa halalan 2022 inihain appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: