Facebook

Sen. Go: Bakuna muna, bago ang pulitika

TUMANGGI munang pag-usapan ngayon ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang pulitika, sa halip ay tumututok kung paano malampasan ang COVID-19 pandemic, partikular na ang vaccination effort.

Ito ang tugon ni Go kaugnay sa pagsusulong ng kanilang kapartido sa Go-Duterte tandem sa 2022 elections.

Sinabi ni Go na sa ngayon ay tutok siya sa pagseserbisyo at pagtugon sa pandemya dahil kung hindi aniya matutugunan ay baka wala nang pulitikang pag-usapan.

Ayon kay Go, nasabihan na niya si Energy Secretary Alfonso Cusi na huwag na muna siyang isama sa usapin at sa halip ay unahin na lang ang mga interesadong kapartido.

Binigyang-diin ni Go na sa ngayon ay hindi siya interesado dahil mas maraming bagay ang dapat unahin tulad ng pagtiyak na mabakunahan ang lahat ng mga Pilipino para makamit ang herd immunity sa COVID-19.

“Nagbigay na po ako ng statement ukol dito. As I have reiterated numerous times, please count me out. I am not interested. Iyan rin ang sinabi ko kay Sec. Al Cusi at sa aking mga kapartido,” giit ni Go.

“I leave my fate to God, to the Dutertes, and to the Filipino people to whom I owe the privilege of serving this nation as a public servant. Kung hindi dahil sa kanila, wala ako dito,” dagdag pa ng senador. (Mylene Alfonso)

The post Sen. Go: Bakuna muna, bago ang pulitika appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sen. Go: Bakuna muna, bago ang pulitika Sen. Go: Bakuna muna, bago ang pulitika Reviewed by misfitgympal on Hunyo 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.