Facebook

GO-DUTERTE KASADO NA SA PDP-LABAN

ANG tambalan nina Senator Bong Go at Pangulong Rodrigo Duterte ang nakahandang suportahan ng mayorya ng mga kasapi ng ruling party Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa 2022 national elections.

Ayon kay PDP-Laban Vice Chairman Energy Secretary Alfonso G. Cusi nitong Martes, 90 porsiyento ng mga miyembro ng partido ang nakatukod kay Pangulong Duterte kapag tinanggap ng Chief Executive ang panawagan sa kanya na sumabak sa Vice-Presidential race sa darating na eleksyon at si Senator Christopher Bong Go ang kanyang standard-bearer.

Noong Lunes, idineklara ni Duterte na ikokonsidera niya ang pagtakbong vice president sa 2022 elections kung “may lugar pa para sa kanya”.

Sinabi ng Pangulo na nais niyang ipagpatuloy ang ilang programa ng administrasyon ngunit ayaw niyang makatambal ang kontra-pelo sa kanya.

“Because if I run for vice president and then I go against someone who opposes the party like (Sen. Manny) Pacquiao who keeps saying we are three times more corrupt…,” ayon sa Pangulo.

Sinabi naman ni Cusi na walang dudang dadalhin ng mayorya sa PDP-Laban ang Go-Duterte tandem sa pagsasabing ang nasabing tambalan ang magpapatuloy ng nasimulang tunay na pagbabago at magandang pamamahala sa bansa ng kasalukuyang administrasyon.

“I think if President Duterte decides to run…for example, he said he will run for VP but he wants Sen. Go as his tandem – will the party accept that? If it will, then the support will not be less than 90 percent,” ayon kay Cusi sa naging panayam sa kanya ng ANC.

Idinagdag ng kalihim na base sa kanilang pag-iikot-ikot sa kasapian ng partido, ang Go-Duterte ang isinisigaw o nais ng karamihan ng mga miyembro na maging tandem sa presidential derby.

“That’s my personal belief considering the clamor that I have seen while we are going around. Based on that, I would say 90 percent is not enough. But the party will support whatever the decision of President Duterte will be. Whoever he decides to be his running mate, I’m sure the party will back him,” idinagdag ni Cusi.

Matatandaan na noong May 31, nag-adopt ng resolusyon ang mga miyembro ng ruling party na umaapela sa Chief Executive na tumakbo bilang bise-presidente ng bansa sa 2022.

Binigyan din ng kalayaan si Duterte na pumili kung sino ang nais niyang maging katambal o standard-bearer.

Kabilang na nga sa ikinokonsidera si Sen. Go na itinuturing ngayong kampeon ng masa dahil sa kanyang mga ipinapakitang tunay na pagmamalasakit sa Filipino.

Lumakas ang posibilidad na mangyari ang Go-Duterte sa 2022 presidential race nang muling idiin ni Davao City Mayor Sara Duterte na hindi siya tatakbo sa panguluhan.

Ikinatuwiran o naniniwala si Mayor Sara sa sinabi ng kanyang amang Pangulo na ang presidency ay hindi trabaho ng babae.

Sinabi naman ni Bong Go na sa ngayon ay ayaw pa niyang pag-usapan ang tungkol sa darating na halalan sa pagsasabing gaya ni Pangulong Duterte ay nakapokus siya sa kanyang bisyo na pagseserbisyo sa taongbayan.

Gayunman, lubos na pinasalamatan ni Go ang kanyang mga kasama sa PDP-Laban maging ang mga taong nakasasalamuha sa panghihimok sa kanya na maging ka-tandem ni President Duterte.

The post GO-DUTERTE KASADO NA SA PDP-LABAN appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
GO-DUTERTE KASADO NA SA PDP-LABAN GO-DUTERTE KASADO NA SA PDP-LABAN Reviewed by misfitgympal on Hunyo 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.