MATAPOS na akusahan ni Pambansang Kamao, Manny Pacquiao ang Administrasyong Rodrigo R. Duterte na tatlong beses na mas korap kesa Pamahalaang Aquino ay hinamon ni Digong ang senador na kilalanin ang mga ahensya at tauhan ng gobyerno na tumutugon sa akusasyon nito.
Ayon kay Digong kapag hindi nagawa ni Pacquiao na maisiwalat kung sino-sino ang mga korap sa kanyang pamahalaan ay ikakampanya ng Pangulo na huwag iboto ang senador pagkat ito ay isang sinungaling.
Ayon pa kay Mr. Duterte, kilala nito si Pacquiao sapul sa kanyang pagkabata at alam niya ang naging buhay nito.
Kung tutuusin ay napakagaan ng naging hamon kay Pacquiao ni Pangulong Digong, kasing simple lang ng “one plus one” kung sa matematika.
Hindi na kailangan pa ang pagbunyag ng 8-Division World Boxing Champion para tukuyin kung sino nga ang mga korap sa pamahalaang Duterte. Alam ng halos lahat na Pinoy ang katumpakan ng akusayon ni Pacquiao.
Imposible naman yatang di pa kilala ng Pangulo ang ilang mga korap na opisyales at tauhan sa Bureau of Customs (BOC), DPWH, DOH, DSWD, DECS at iba pang departamento at ahensya ng pamahalaan?
Unang-una ay kumustahin nga pala natin sina Ex-Marine Captain Nicanor Faeldon, Retired General Isidro Lapeña na kapwa nanungkulang Commissioner ng BOC bago ang mga nailipat sa ibang posisyon ni Pangulong Digong?
At kanino nga kayang bulsa napunta ang trilyong halaga mula sa SAP 1 at SAP 2, gayong nababalitang may panibagong pondo na naman para sa SAP 3? Magkano nga ba ang tunay na nagugol ni DOH Sec. Francisco Duque sa mga kagamitan kontra-Covid 19?
Dapat na busisiin din ni Senador Pacquiao kung paanong nakopo ng mga service provider tulad ng ML Lhuilier, Cebuana at iba pa ang pamamahagi ng SAP gayong magkatuwang namang naipamahagi ang naturang ayuda ng mga barangay personnel at DSWD?
Idagdag pang dapat ibunyag din ni Pacquiao ay kung sino ang mga personalidad na nasa likod ng pagbebenta sa mga Intsik ng ating mga isla, bahura at karagatan sa ating teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).
Dapat pa ngang ikatuwa ni Pacquiao kung ipangangampanya ni Digong na huwag iboboto ang senador sa pagka-presidente kapag itinuloy nito ang planong pagtakbo bilang pangulo ng may 120 milyong Pinoy sa darating na 2022 elections. Mas pabigat at malaki ang negatibong epekto sa kandidatura ni Pacquiao kung susuportahan ito ni Digong.
Sa tototo lang, pagtagilid ng “Barkong Digong” sa pagpasok pa lamang ng taong 2022 ay halos lahat na lulan nito ay maglulundagan na para iligtas ang kanilang mga sari-sarili. Doon lamang mahihinuha ng Kapitan nitong si PRRD kung saan siya nagkamali.
Alam natin na walang makapipigil sa hangarin ng dating sagad sa kahirapan at kargador na si Pacquiao sa pagkandidato bilang presidente ng bansa.
Senyales na hinihintay ni Pacquiao para tuluyan itong pumalaot sa Panguluhan, ay ang mapagtagumpayan nito ang kanyang laban sa darating na August 21, 2021 kay Errol Spence Jr.
Paglalabanan nina Pacquiao at Spence Jr. ang titulo bilang Unified Welterweight World Champion sa Las Vegas Nevada. Ang tagumpay ni Pacquiao ay maituturing ding tagumpay ng sambayanan.
Si Pacquiao ay kung ituring ng mga alipores ni Digong, kalaban sa pultika at mga kritiko ay mangmang, ignorante pagkat mababa ang naabot nitong pinag-aralan. Nakapagtapos lamang ito ng kolehiyo sa Unibersidad ng Makati City nang isa na siyang senador.
Ngunit ang minamaliit nilang Pacquiao ay ang natatanging Filipino na nabigyan ng pagkakataon at karangalang makapagsalita sa harapan ng mga pinaka-matatalinong estudyante at professional sa mga Unibesrsidad ng Oxford at Cambridge sa USA at United Kingdom (UK).
Doon ay ibinahagi ng probinsyanong boksingero na naging Congressman at senador ang kanyang pakikitalad at tagumpay laban sa kahirapan. Bagama’t isang abogado kuno ay di ito naabot ni Digong. Kaya knock-out si Digong kay Pacman!
***
Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com
The post Digong knockout kay Pacman! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: