Facebook

Kamandag ng ‘assets’ sa posas ng enforcers!

‘ASSETS’ ang taguri ng LAW ENFORCERS sa mga informant na kanilang nagagamit bilang “HUDAS” o “MAKAMANDAG NA AHAS” na tutuklaw sa mga kasamahan sa sindikato…, subalit sariling buhay naman nila ang katumbas mula sa ngitngit ng sindikato at sa tanikalang-posas ng mga ganid na enforcer.

Ito ang reyalidad sa OPERATIONAL TACTICS na ASSETS ang ginagamit ng OPERATIVES sa pagbuwag ng iba’t ibang sindikato partikular ang DRUG SYNDICATES.., na isang patunay niyan ay ang madugong barilan sa pagitan ng PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY (PDEA) at ng PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) kamakailan sa lugar ng EVER GOTESCO, COMMONWEALTH AVE, QUEZON CITY na ang ginamit na ASSET ng QUEZON CITY POLICE DISTRICT ay isang babaeng preso.

Nitong June 8 naman sa isinagawang operation ng NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION (NBI) sa kaso ng nag-viral sa social.media na 3-kataong dinukot ng mga armadong kalalakehan sa STA. CRUZ, MANILA noong April ay produkto ng ASSET WORKS sa manipulasyon ng mga POLICE OPERATIVE…, na habang isinusulat ang kolum na ito ay tinatrabaho ng NBI ang pagtunton at pag-aresto sa mga sangkot na pulis dahil sa pahayag ng 2 naarestong ASSET ay kasama sila ng mga pulis sa pag-aresto sa 3 magkakapitbahay.

Ilan lamang ang mga ito sa sistema ng mga LAW ENFORCER na ASSET ang IMPORTANT LINK para sa pagtunton at pagbuwag ng anumang operasyon ng mga CARNAPPING SYNDICATE, BANK ROBBERY SYNDICATE o ng mga GAMBLING LORD, DRUG LORDS at iba pang ILLEGAL LORD OPERATIONS.., yun nga lang sa hanay ng ILLEGAL GAMBLING at DRUG SYNDICATE ay mga pipitsuging kubrador at pushers ang naaaresto at itinitimbuwang sa mga kalsada.

Mga late 80’s, kabataan ko pa noong ako’y nasa POLICE BEAT REPORTER ay ganito na ang sistema ng mga operatiba…, ang paggamit ng mga ASSET o INFORMER para ‘ahasin’ ang sindikatong kanilang kinabibilangan at kadalasan pa kapag naaaresto ang medyo BIGTIME PUSHER ay hinde kakasuhan kapalit ng “usapan” na makapagpapatuloy sa operasyon ang mga ito kapalit ng “LINGGUHANG LAGAY” at ang gagamiting kolektor ng INTELEHENSIYA ay ang unang ASSET na ginamit ng kapulisan.

Yun nga lang kapag masyadong lumalim na ang operandi ay gagawa na ng senaryo ang mga operatiba.., resulta, timbuwang ang ASSET at ang pinakinabangang PUSHER.

Para sa hanay ng kapulisan ay ACCOMPLISHMENT pa ang mapapala nila…, mapupuri at mababalita pa ang DAKILANG OPERASYON na ekstrang pinagkakitaan hanggang sa SCRIPTED SENARYONG PAGPATAY ay PROMOTION TO HIGHER RANK ang magagantimpala ng mga WISE OPERATIVE… o saan pa kayo hehehe matapos maposasan at mapakinabangan ang ASSET at PUSHER e ititimbuwang para sa medalya, tropeyo at tataas pa ang ranggo ng mga pulis.

Iyan ang mala-HUDAS na sistema ng kapulisan… matapos magsilbing HUDAS ang mga ASSET sa sindikatong kinabibilangan nila ay HUHUDASIN naman ng mga PULIS ang kanilang ASSET para huwag nang makapagkuwento ang mga ito na ginagawang palabigasan ang mga sindikato…, na ang pinakamatindi ang HUDASAN ay sa ILLEGAL DRUG BUSINESS.

Maaaring marami ang madidisiplina ni PNP CHIEF GUILLERMO ELEAZAR sa mga nagsisilbing HUDAS sa hanay ng kanilang pagseserbisyo subalit sa ikli ng panahon sa pagiging PNP CHIEF ni KAIBIGANG GENERAL ELEAZAR ay hinde nito ganap na malilipol ang mga HUDAS nilang kasamahan.

Nalalapit na ang PRESIDENTIAL ELECTION…., kaya malaking hamon sa mahahalal na ika-17th PHILIPPINE PRESIDENT ang kung paano masosolusyunan ang pagsugpo sa CORRUPTION at pagbuwag sa mga DRUG SYNDICATE dahil marami pa ring mga GOVERNMENT OFFICIAL ang nagsisilbing mga PROTECTOR kaya nakakapag-operate pa rin ang ILLEGAL DRUGS. Maging ang mga nakakulong na BIGTIME DRUG LORDS sa NATIONAL BILIBID PRISON ay patuloy na nakapag-ooperate sa kanilang ilegal na operasyon sa pakikipagkutsabahan ng mga JAIL PERSONNEL.

Kaya, ang dapat na mailuklok sa pagiging PHILIPPINE PRESIDENT ay ang may sinserong malusaw ang CORRUPTION sa paraang ipaggiitan at isagawa ang pag-amyenda sa BANK SECRECY ACT.., na ang lahat ng GOVERNMENT OFFICIAL mula sa PHILPPINE PRESIDENT , GOVERNMENT AGENCIES at EMPLOYEES at maging sa hanay ng BARANGAY OFFICIALS ay dapat na bukas ang kanilang taglay na yaman at hinde na sila masasakop pa ng BANK SECRECY LAW!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post Kamandag ng ‘assets’ sa posas ng enforcers! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kamandag ng ‘assets’ sa posas ng enforcers! Kamandag ng ‘assets’ sa posas ng enforcers! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.